SAVE SAMAR SPORTS COMPLEX

0 have signed. Let’s get to 5,000!


PETISYONG-BAYAN: PIRMA PARA SA PAGKONTRA NG REKLASIPIKASYON NG SAMAR PROVINCIAL ATHLETIC FIELD SA LUNGSOD NG CATBALOGAN.

KAMI, mga kasapi ng SAVE SAMAR SPORTS COMPLEX MOVEMENT, mga mamamayan ng Lungsod ng Catbalogan, lalawigan ng Samar, nasa wastong gulang at nkalagda dito ay lubos ang pagtutol sa hakbang na gibain (i-demolished) at tuluyang i-reclassify ang Samar Provincial Athletic Field sa kasalukuyang lokasyon nito sa Barangay 07 (Poblacion), Catbalogan City, Samar.

BATAY DITO, kaming mga opisyal at miyembro ng Save Samar Sports Complex Movement at mga mamamayan ng Lalawigan ng Samar ay nkapirma sa ibaba ay iginigiit ang mga SUMUSUNOD NA KAHILINGAN:

  • Kontrahin ang pagreclassify nito ayon sa rekomendasyon ng mga komite ng Sanguniang Panlalawigan ng Samar at ibukas sa publiko ang mga dokumento hinggil dito.
  • Tutulan ang isinasagawang demolisyon ng Provincial Engineering Office (PEO) sang-ayon sa Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 15-061-16 (Disyembre 16, 2016).
  • Itakwil ang anumang tangkang demolisyon, reklasipikasyon o pagsasapribado nito, sa halip ay maglaan ng pondo para dito.
  • Panatilihin ang Bulwagang Palakasan itobilang bahagi ng kasaysayang local (local history) alinsunod na rin sa mga kondisyon at patakarang itinalaga ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Presidential Decree No. 1505 series of 1978.
  • Ilunsad ang pagsasaayos o rehabilitation sa kabuuan ng pasilidad nito bilang tulong para sa kapakanan at seguridad ng mga atletang Samareño.


Today: SAVE SAMAR SPORTS COMPLEX MOVEMENT is counting on you

SAVE SAMAR SPORTS COMPLEX MOVEMENT needs your help with “SAVE SAMAR SPORTS COMPLEX MOVEMENT: SAVE SAMAR SPORTS COMPLEX”. Join SAVE SAMAR SPORTS COMPLEX MOVEMENT and 4,392 supporters today.