Petition updateTO TAKE THE NECESSARY STEPS TO RECOGNIZE ANDRES BONIFACIO AS THE FIRST PRESIDENT OF THE PHILIPPINES (BONIFACIO: UNANG PANGULO)LET US PLEASE SUPPORT THE EFFORTS OF "BONIFACIO: ANG UNANG PANGULO" BY WATCHING THE FILM ON DECEMBER 25
Michael Charleston ChuaLungsod Quezon, Philippines
Dec 21, 2014
From the coordinator of the campaign: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10152959673842437&set=a.10150109438062437.311025.582402436&type=1&theater Kataas-taasang Kaganda-gandahang Kapanapanabik na Pelikula Para sa mga Anak ng Bayan ang pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Hindi lang dahil, bagama't may mga artistic licenses sa mga maliliit na detalye ng kasaysayan, hindi lumihis ang pelikula sa diwa ng kasaysayan batay sa mga dokumento, gayundin mabilis ang istorya, maganda ang bitaw ng mga linya, at ipinabatid sa mga bata ang halaga ni Bonifacio para sa ating sariling panahon. Maganda rin ang biswal na aspekto ng pelikula. Lahat ng elemento, kilig, aksyon, drama, narito sa pelikulang ito. Hindi lamang iyon, sa huli tatamaan ka sa iyong puso na ang tanging paraan upang bigyan ng hustisya ang Unang Pangulo ay ang mahalin ng bawat isa ang kanilang bayan. Maiinlove ka kay Bonifacio at sa Inang Bayan sa pelikulang ito. Sa premiere kagabi, napag-usapan namin ni Dr. Mila Guerrero na hindi kami napahiya na ilagay ang pangalan namin bilang awtor ng aklat na may kinalaman sa pelikulang ito. Salamat din sa kanya sa paghilod sa likod ko habang iniiyakan ko ang mga huling eksena. Mabuhay Rina Navarro, Enzo Williams, Eduardo A. Rocha, Fernando Ortigas, Atty. Danilo Patron, at sa iba pang bahagi ng pelikula. At siyempre kay Vina Morales na napakagaling sa ginampanang papel na Oriang, at si Robin Padilla, na Supremo ang acting. Ang ganda naman ng regalo niyo sa kabataan ngayong Pasko. Ang ganda rin na regalo sa Unang Pangulo. He deserves this film. Sana suportahan niyo sa #MMFF2014, Bonifacio: Ang Unang Pangulo opens 25 December 2014,
Copy link
WhatsApp
Facebook
Nextdoor
Email
X