Petition updateTO TAKE THE NECESSARY STEPS TO RECOGNIZE ANDRES BONIFACIO AS THE FIRST PRESIDENT OF THE PHILIPPINES (BONIFACIO: UNANG PANGULO)THANK YOU SALAMAT PO! WE REACHED 5,000 MARK!

Michael Charleston ChuaLungsod Quezon, Philippines
Nov 30, 2015
Mga kapatid,
Noong nakaraang taon, sinimulan po natin ang petisyon na ito, sa una ay maraming pumirma ngunit maaraming buwan na hindi nadagdagan ang apat na libong mga pirma.
Ngunit kahapon ng umaga, araw ni Bonifacio, nakatanggap ako ng balita mula sa change.org na umabot na tayo sa 5,000 pirma! Sa pagtatapos ng araw umabot na tayo sa 6,000 pirma, wala pang 24 oras!!!
Sa dinami-dami ng araw sa buong taon, 364 at kalahati, sa mismong araw pa niya umabot sa ganitong bilang ang boto. Ano kaya ang ipinapahiwatig nito?
Anuman, nais po naming ipaunawa sa inyo na hindi po namin ito minamadali. Maaaring isumite ang petisyon na ito SA TAMANG PANAHON na mas bukas ang isip ng ating mga pinuno, ngunit magpapatuloy po ito ng marahan habang aba po naming ipinapalaganap ang causa, iniikot po ito sa iba-ibang lugar at patuloy na nakikinig sa mga mungkahi kung paano pa mapapaganda ang panukala.
May mga nagsasabi na hindi naman paramihan ng pirma ang laban dito kundi ang pagiging solido ng ebidensya na pagpapasyahan ng mga historyador. Subalit hindi maikakaila na ang isang pasyang ganito ay kailangang ipaalam sa madla at isang paraan dito ay ang pagkumbinsi sa iba na basahin ang petisyon na ito bago pumirma.
Sapagkat kung dumating man ang araw ng tagumpay ng Pangulo ng Haring Bayan na mailagay sa kanyang tamang kalagyan sa kasaysayan, kailangan itong maunawaan at tanggapin ng publiko. Kung hindi naman tayo pagbigyan ng kinauukulan, naitanim na ang binhi ng kaalaman na maaaring magpatuloy ng usapan hanggang matanggap na nila ito sa tamang PANAHON.
Dahil kapag bayan na ang nagsabi, hindi pa ba susunod ang estado? Lalo kung may batayan ang sinasabi?
At sa araw na mangyari 'yan, masasabi natin na hindi natin iniwan si Gat Andres, at naging bahagi tayong lahat ng tagumpay na yan.
Salamat mga kapatid sa hindi niyo pag-iwan kay Gat Andres, salamat sa naging tulong at magiging tulong niyo pa! Pagpalain tayo ng Maykapal! Mabuhay ang Haring Inang Bayan!
XIAO
Copy link
WhatsApp
Facebook
Nextdoor
Email
X