Protect Sierra Madre, No to Kaliwa Dam Project!

The Issue
Yayamang, nasa interes ng demokratikong bansa ang pagtataguyod sa karapatan ng kanyang mamamayan na mabuhay, makapaghanapbuhay nang may dangal, at makinabang sa yamang-likas nang may paggalang sa natural na daloy ng biyaya ng kalikasan;
Yayamang, karapatan ng sektor na lumilikha ng yaman at pangangailangan ng bansa, katulad ng mga karaniwang magsasaka at manggagawa, ang paggamit ng kalikasan para sa kanilang kabuhayan at kagalingan;
Yayamang, ang kagubatan, kakahuyan at mga halaman, mga ibon, hayop at insekto, mga bukal at batis sa Bundok Sierra Madre ay napagyayaman at napangangalagaan ng mga naninirahang katutubo at setler sa pusod nito, sa mga laylayan at kapatagan;
Yayamang, napatunayan na sa kasaysayan na ang pag-iral ng mga dambuhalang dam sa iba’t ibang panig ng ating bansa at maging sa iba pang panig ng mundo ay nagwawasak sa kalikasan, nagpapalayas sa mga katutubo, at nagiging delubyo para sa mamamayan kapag pinakakawalan mula sa pintuan ng mga dambuhalang dam na ito ang rumaragasang tubig sa panahon ng malalakas na pag-ulan at bagyo;
Yayamang, sa Saligang Batas ng Pilipinas ay nakasaad na ang Estado ay kikilala at magtataguyod sa batayang karapatan ng mga katutubo o indigenous cultural communities (Art. II, Sec. 22, 1987 Phil. Constitution );
Kung gayon, mahigpit naming tinututulan ang proyektong dambuhalang Kaliwa-Kanan Dam at idinudulog sa kinauukulan ang pagpapatigil sa pagtatayo nito.

Petition Closed
Share this petition
The Decision Makers
Petition Updates
Share this petition
Petition created on August 28, 2019