Petition Closed

Tsismis ay Sugpuin, Wag hayaaan matapakan ang pagkatao natin.

This petition had 53 supporters


                      "Kailan may di naging tama ang magkalat ng mga paninirang puri sa ating kapwa lalo na kung wala naamang basehan at katotohanan." Sa panahon ngayon, malimit nating nababalitaan ang mga bagay na wala naman katuturan o kasaysayan at madalas na nagdududlot lamang ng pagkasira ng relasyon sa kapwa tao. Nararapat lamang na tapusin na ang issue tungkol sa tsismis.

                     Wag nating hayaan na masira lamang tayo dahil sa katakot takot na tsismis. Dapat na wakasan ang epidemya na ito sa tamang pag iisip at proseso. Kinakailangan na sa bawatorientati Brgy. ay magkaroon ng seminar at orientation tungkol sa kung ano ang masamang dulot ng tsismis at ano ang magandang gawin upang masugpo ito. Bata man o matanda ay nararapat lamang na matututong rumespeto at gumalang sa kapwa.Simulan natin sa ating sarili na limitahan ang pakikialam sa buhay ng may buhay.

                     "Tayo pa bang magkaka-uri ang magsisiraan? Tayo pa bang mga tao ang dapat na magkakatungalian?" Nilalang tayo ng Diyos na may pinakamataas na antas ng pag iisip. At sana'y pairalin natin ang natatangi natin na pang unawa.Sabi nga nila "Madaling maging tao, ngunit mahirap magpakatao."



Today: Hans Danae is counting on you

Hans Danae Flores needs your help with “President Rodrigo Duterte: Tsismis ay Sugpuin, Wag hayaaan matapakan ang pagkatao natin.”. Join Hans Danae and 52 supporters today.