Victory

Go for Libreng Education for the Nation!

This petition made change with 102 supporters!


Paano nga ba natin maisasalarawan sa panahon ngayon ang pag -aaral? Ano nga ba ang kahalagahan nito sa bawat tao?

Ang pag-aaral ay ang daan upang magkaroon ang isang mamamayan ng magandang kinabukasan partikular na ang mga kabataan. Ngunit, hindi natin maitatanggi na may iilan pa rin na kabataan ang hindi na nag-papatuloy sa pag-pasok sa paaralan dahil may mga ilang bagay ang nakakahadlang sa kanila upang ipagpatuloy ito. Isa sa pinakarason ng paghinto o hindi pagpasok ng mga kabataan ay dahil na rin sa kakulangan sa pinansiyal na pangangailangan. 

Maraming kabataan ang mas pinipili na huminto upang 'wag na dumagdag sa gastusin sa kanilang bahay at pinipili na lamang na magtrabaho upang makatulong sa kanilang pamilya sa mas hindi hassle na paraan. Ngunit kung iisipin, ito nga ba ang magandang paraaan na gawin? Ang maghinto sa pag-aaral dahil lang sa kawalan ng kakayahan sa pinansiyal na pangangailangan? Ito nga ba ang solusyon? Hindi!


"Libreng edukasyon", ito ang solusyon. Ang pagkakaroon ng libreng edukasyon ay magiging malaking tulong para sa bawat kabataan lalo na ang walang kakayahan na makapasok sa paaralan. Gaano nga ba kasaya kung ang bawat kabataan ng ating mamayan ay pumapasok sa paaralan na walang iniisip na babayaran?


Ngunit higit sa pagkakaroon ng libreng edukasyon, ang pagkakaroon ng kagustuhan na makamit ang magandang kinabukasan ang pinakamahalaga na dapat na mayroon ang kabataan. Ang pagkakaroon ng libreng pag-aaral ay daan lamang ngunit nasa sarili nating kamay kung ang magandang hinaharap ay gusto talaga natin na makamtan. Go for libreng education for the nation, go new generation!



Today: China Mae is counting on you

China Mae Cortez needs your help with “President ROA Rodrigo Duterte: Go for Libreng Education for the nation!”. Join China Mae and 101 supporters today.