Petition Closed

Hindi Kailangan ang Death Penalty

This petition had 102 supporters


MULING nabuhay ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan dahil sa lumalalang krimen. Ang nagpanukala ay si Sen. Tito Sotto kasama ang iba pang anti-crime groups. Nais ng mga ito na ibalik ang parusang kamatayan para raw mapigilan ang pamamayagpag ng mga kriminal.
Sa halip na death penalty ang pagtuunan ng pansin, kalampagin ang Philippine National Police at mga local na pamahalaan sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tutukan ang pagresolba sa mga krimen.
Kung maaaresto agad ang mga kriminal buhay man o patay asahan na ito ang pinaka-instrument upang bumaba ang bilang ng kriminalidad sa bansa lalo na sa Metro Manila.
Kahit pa may parusang kamatayan sa bansa pero kung hindi naman mabilis ang pag-aresto sa mga criminal, wala rin itong bisa. Bukod dito, dapat pabilisin ang proseso sa mga korte upang mahatulan at maparusahan agad ang mga kriminal.
Kung susuriin, mas masahol pa nga sa parusang kamatayan ang mabilanggo ng habambuhay dahil sa hirap ng kalagayan sa mga kulungan maliban na lang sa mga mayayaman na nakakapamuhay sa loob na masarap pa rin ang buhay.
Namamapayagpag ang mga criminal lalo sa Metro Manila. 
Samantala, tama ang paninindigan ni President Noynoy Aquino na hindi pa perpekto ang justice system sa bansa kaya hindi puwede ang death penalty. Ayon kay P-Noy, kapag ang isang tao ay nahatulan nang mali at naparusahan ng kamatayan, hindi na maibabalik ang buhay nito samantalang kung habambuhay na pagkabilanggo ay maaring makalaya.
Dapat magising ang mga awtoridad na bilisan ang pagsolusyon sa mga krimen lalo na’t ang madalas biktimahin ay pangkaraniwang mamamayan.



Today: sheenly is counting on you

sheenly galarosa needs your help with “President: Hindi Kailangan ang Death Penalty”. Join sheenly and 101 supporters today.