Tax Tobacco To The Max!

Tax Tobacco To The Max!

The Issue

TAX TOBACCO TO THE MAX! (ITAAS ANG BUWIS SA SIGARILYO SA PINAKAMATAAS NA ANTAS)

Bakit kailangang AGARANG itaas ang buwis ng sigarilyo sa maksimum na antas?

Nang dahil sa naging epekto ng buwis dahil sa Sin Tax Law of 2012 (RA 10351) sa presyo ng sigarilyo, bumaba ang bilang ng mga taong naninigarilyo sa Pilipinas (mula 31% noong 2008, 23% na lamang noong 2015). Kasabay nito, tumaas naman ang bilang ng mga taong hindi na nagsimula pang manigarilyo (karamihan mga kabataan, pinakamahihirap, at pinakanakatatanda). Kung mananatili ang buwis  sa sigarilyo ayon sa isinasaad sa RA 10351 (P30 kada pakete ngayong 2017, 4% dagdag dagdag kada sumusunod na taon), base sa pag-aaral, simula 2018, may panganib na madagdagan ng 200,000 katao pa ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa. Sa kasalukuyan, may dalawang panukalang batas na nakahain sa Senado, ang Senate Bill (SB) 1599 at SB 1605, na kung maipapasa ay naglalayong pigilan ang ganitong senaryo sa pamamagitan ng pagtataas ng buwis sa sigarilyo: P60 at P90 kada pakete mula 2018, at dagdag na 9% kada taon.

Bakit kailangang ipagpatuloy ang unitary tax system sa sigarilyo?

Mapa-mura, mapa-mahal na klase ng sigarilyo, pareho lamang ang masamang dulot sa kalusugan. Kaya nararapat lang na iisa lamang ang antas ng buwis para sa mga ito. Ang unitary tax system o pagkakaroon ng iisang lebel ng buwisan para sa lahat ng klase ng sigarilyo ay makakatulong upang hindi maengganyo ang mga manufacturer ng sigarilyo na kumiling sa paggawa ng sigarilyong may mas mababang presyo. Kung wala ring option na pumili sa pagitan ng mura at mahal na sigarilyo, hindi rin mae-engganyo ang mga taong bilhin ang mas murang klase ng sigarilyo.

Bukod dito, mas lalaki ang kita ng gobyerno para sa programang mapapakinabangan ng lahat, mas mapapadali ang sistema ng pagkolekta at pagmonitor ng gobyerno sa mga pumapasok na kita mula sa buwis, makakaiwas pa sa tax evasion.

Bakit kailangang masusing mailaan at magamit ang pondo mula sa buwis ng sigarilyo para sa mga programa’t benepisyong pangkalusugan katulad ng Universal Health Care (kalusugan para sa lahat) at iba pang makataong programa para sa kagalingan ng mamamayang Pilipino?

Pangkalusugan (pagpigil sa paninigarilyo) ang pangunahing layunin ng Sin Tax Law (RA 10351) at ito rin ang dahilan kung bakit kailangang taasan pa ang buwis sa sigarilyo sa lalong madaling panahon. Kaya kinakailangang tiyakin na sa tamang programa mapupunta ang kita mula sa buwis na ito. Malaki ang naidagdag ng kita mula sa buwis ng sigarilyo sa badyet para sa kalusugan, lalo  na sa PhilHealth para sa mga indigents at senior citizen, medical assistance program at iba pang programa ng Department of Health.

May tinatayang 47 na iba’t ibang sakit ang naidudulot ng paninigarilyo. Taon-taon, napakalaking halaga (P210 bilyong piso) ang nagagastos ng pamahalaan at ng mga mamamayan para sa apat (4) lamang na sakit na dulot ng paninigarilyo. Dahil kalusugan at buhay ang binibiktima ng sigarilyo, nararapat lamang na gamitin ang pondo para sa kalusugan. Sa kalaunan, layon ng pagsupil sa paninigarilyo ang bawasan at pigilan ang ganitong klase ng paggastos para sa sakit na maaari namang agapan.

Nais nating iparating sa mga Senador at kay Pangulong Duterte ang panawagan nating ito sa LALONG MADALING PANAHON. Magiging malaking tulong ang inyong pag-unawa sa isyu, pagbabahagi nito sa iba pang mga kasama, at pakikiisa sa pamamagitan ng pagtulong sa kampanya at paglagda sa DEKLARASYON NG PAGKAKAISA at paghikayat sa ibang makiisa rin.

MAS MALAKING BUWIS SA SIGARILYO

MAS MALAKING BENEPISYO

KALUSUGAN NG MAMAMAYAN

TULUY-TULOY NA KAMTAN!

TAX TOBACCO TO THE MAX! NGAYON NA!

avatar of the starter
SocialWatch PhilippinesPetition Starter
This petition had 20 supporters

Petition Updates

Share this petition

Petition created on November 22, 2017