Kampanya güncellemesiDisqualify the extremely biased ABS-CBN from hosting Televised Presidential Debates 2016.Let us also support the movement for PCOS Receipt
Figo CantosMarikina City, Filipinler
29 Şub 2016
Hinihingi naming mga mamamayan at botanteng Pilipino sa COMELEC, na sundin ang batas at mag-issue ng tape receipt sa mga botante sa darating na Pambansang Eleksyon sa ika-9 ng Mayo, 2016. Malinaw ang batas. Nakasaad sa Section 7 ng AES Law na kailangang mag-issue ang COMELEC ng tape receipt dahil ito lamang ang pruweba ng bawat botanteng Pilipino na naitala ng PCOS machine ang kanyang boto ng tama. http://on.fb.me/1TaUg4g Layunin ng batas na magkaroon ng malinis na halalan. Gusto namin ng malinis na halalan, yung wala kaming duda sa resulta. Nasa kamay ng COMELEC ang kakayahang magsagawa ng malinis na eleksyon, pero, nag-desisyon kayo na hindi mag-issue ng tape receipt sa mga botante noong ika-13 ng Pebrero, 2016. Dahil dito, agad naghain ng Petition for Mandamus si dating Senador Richard “Dick” Gordon, para hilingin sa Korte Suprema na pigilan ang pagpapatupad ng desisyong ninyong ito. Mayroon kayong tatlong taon mula sa huling eleksyon at siyam na taon mula pa noong naging batas ang Automated Election System para paghandaan ito. May solusyon ang bawat 'dahilan' na inyong ginagamit para labagin ang batas. http://on.fb.me/1QJtG1n Huwag ninyong biguin ang mga botanteng Pilipino. Ipakita ninyong wala kayong kinikilingan. Gusto naming manalig sa integridad ninyo, COMELEC. Huwag ninyo kaming bigyan ng dahilan na mawala ng tuluyan ang pananalig na ito. Mag-issue kayo ng tape receipt sang-ayon sa batas. Boto namin, kailangan may resibo. Pumirma ka. Hingin ito. May karapatan ka sa resibo.
Bağlantıyı kopyala
WhatsApp
Facebook
X
E-posta