Ligtas na Balik-Eskwela, ngayon na!

300

Let’s get to 500 signatures!
Petitions with 1,000+ supporters are 5x more likely to win!

The Issue

Magkaisa para sa Ligtas na Balik-Eskwela!

Halos magta-tatlong taon na mula noong idineklara ang pandemya dito sa Pilipinas. Nakompromiso ang kalusugan, kabuhayan, at karapatan ng mga Pilipino dahil sa naparaming kapalpakan ng rehimeng Duterte, kabilang dito ang ligtas at kalidad na edukasyon.

Sumasailalim ang mga kabataan sa palpak na distance learning habang patuloy na nagiging inaksisible ang edukasyon dahil sa hindi makataong moda ng pagkatuto. Imbes na matuto ay tanging sakit sa ulo ang ibinigay nito sa mga kabataan. Bagaman pinahintulutan ng rehimen ang limited face-to-face classes ng ilang paaralan sa bansa, nilalagay naman nito sa panganib ang kalusugan at buhay ng mga estudyante.

Kung kaya't isinusulong ng mga kabataan mula sa iba't ibang parte ng bansa ang mga hakbang na ito upang matiyak ang ligtas na pagbabalik-eskwela!

PART I:  MAGTRABAHO TUNGO SA LIGTAS NA PAGPAPATULOY NG MGA PISIKAL NA KLASE

A. Dapat suportahan at pondohan ni Duterte, ng National Task Force against COVID-19 at ng Inter-Agency Task Force nito ang mga institusyon sa planong ligtas na pagbubukas ng klase.

B. Mahigpit ang koordinasyon ng mga LGU at mga paaralan sa paglulunsad ng maingat at siyentipiko na risk assessments.

C. Isulong ang community-oriented at grassroots-level response sa pandemya sa pamamagitan ng health programs na magtataguyod ng partisipasyon ng ating mga kababayan.

D. Pagpapalahok sa mga kabataan sa pagawa ng roadmaps na sasagot sa kondisyon ng kanilang paaralan at mga komunidad.

E. Pagbubukas ng school facilities gaya ng libraries, laboratories, computers, atbp.

F. Tiyakin na makakapasok ang mga mag-aaral sa mga kampus, anuman ang edad.

G. Palawakin ang saklaw ng mga pinahihintulutang kurso, degree programs, at mga anyo ng pisikal na pag-aaral gaya ng inirerekomenda ng mga paaralan sa pagsangguni sa kanilang stakeholders.

H. Pahintulutan ang extra-curricular activities na sumusunod sa health protocols.

I. Bilang pagsunod sa rekomendasyon ng UNICEF at UNESCO, ang mga paaralan ay dapat ang huling magsara at ang unang magbukas sa high-risk areas.
Sa low-risk areas, agad na itulak ang ligtas na pagbubukas ng mga paaralan sa basic education at higher education institutions. Magbigay sa mga paaralan ng:
1. Sapat water supply
2. Health at safety facilities gaya ng comfort rooms, handwashing facilities, at school clinics
3. Well-ventilated na mga silid-aralan
4. Mga paalala o markings para sa tamang physical distancing
5. School nurses
6. Libreng face masks at alcohol
7. Wastong pagsasanay sa lahat ng personnel tungkol sa sanitation procedures
8. Contingency plan para sa suspect, probable o confirmed na mga kaso ng COVID-19

J. Sa high risk areas:
1. Palakasin ang mga programa sa libre mass testing, contact tracing, treatment, at libre, ligtas at aksesibleng bakuna.
2. Dapat gamitin ng mga paaralan ang lahat ng posibleng mekanismo upang magbigay ng mga venue na nagpapahintulot sa pisikal na pag-aaral sa pagitan ng mga mag-aaral at guro.

K. Sa nagpapatuloy na distance learning program:
1. Ibigay ang mga pangangailangan para sa distance learning o ALS, tulad ng mga libreng gadget at stable na internet connection para sa mga mag-aaral at guro.
2. Bigyang-diin ang kalidad ng pag-aaral na natatanggap ng mga mag-aaral sa halip na magpataw ng mabibigat na requirements at grading system. Ipatupad ang academic easing.
 

PART II. PUNAN NG GOBYERNO ANG TUNGKULIN NITO SA SEKTOR NG EDUKASYON

A. Maglaan ng sapat na pondo para sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan, para sa mga pangangailangan sa distance learning sa basic at higher education sa 2022 National Budget.

B. Ibalik ang mga binawas na pondo para sa mga SUC at mahahalagang education programs. Pondohan ang pagpapalawak ng scholarship programs at magbigay ng P10,000 na tulong para sa lahat ng mga mag-aaral.

C. Pondohan ng sapat ang mga libreng education program. Magpatupad ng moratorium sa tuition at iba pang bayarin.

D. Dagdagan ang teaching at non-teaching personel ng mga paaralan. Taasan ang sahod ng mga guro at kawani, at bigyan ng overtime pay at overload fee.

E. I-realign ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Confidential at Intelligence Fund ng Office of the President sa mga pangunahing serbisyong panlipunan, kabilang ang edukasyon.

PART III: TIYAKIN ANG MGA DEMOKRATONG KARAPATAN AT KAPAKANAN NG MGA MAG-AARAL, GURO, AT KAWANI

A. Sa antas ng paaralan at komunidad, tiyakin ang tunay na partisipasyon ng mga mag-aaral, magulang, guro, at kinatawan ng mga komunidad sa mga pulong at pagpaplano.

B. Ibigay ang fiscal autonomy at mga independiyenteng operasyon ng mga student councils, mga publikasyon, at organisasyon.

C. Supportahan ang pangangailangan para sa pisikal, mental, and emotional na kalusugan.
Bigyan ng sapat, aksesibleng psychosocial services and counselling.

Ang bilang ng mga Pilipinong nagpakamatay ay tumaas noong nakaraang taon dahil ang COVID-19 pandemic—na humantong sa pagkawala ng mga mahal sa buhay. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga pagkamatay na dahil sa intensyonal na pananakit sa sarili ay tumaas ng 25.7%, kaya ito ang ika-27 sanhi ng kamatayan noong 2020.

D. Maglaan ng safe spaces.

E. Tutulan ang red-tagging at book-purging. Huwag pahintulutang makapasok ang militar, pulisya, at ang NTF-ELCAC sa mga kampus.

F. Gumawa ng mga mekanismo laban sa sexual harassment at in-campus violence.

#LigtasNaBalikEskwela, ngayon na!

The Decision Makers

Department of Education - Philippines
Philippines Commission on Higher Education

Petition Updates