Para sa kabataan: Wastong Paggamit ng Facebook at TikTok

The Issue
Ang haba ng oras na itinatagal mo sa paggamit ng Facebook at TikTok ay may sikolohikal na epekto sa pisikal na pakikitungo sa pamilya. Alam mo ba iyon?
Iyan ang natuklasan sa makabagong pag-aaral na isinagawa sa kabataan, taong panuruan 2021-2022. Kung saan nabigyang-linaw:
- Labis kung gumamit ang mga kabilang sa henerasyong Z ng mga naturang aplikasyon.
- Mas nakararanas sila ng positibong epekto kaysa sa negatibong epekto. Sa kadahilanan na nakatanggap kami ng pinakamaraming tugon sa "kasiyahan" habang ang pinakamadalang naman ay ang walang sikolohikal na epekto na nararanasan
- Ang pagka-delay o pag-delay o pagkawala ng tulog na kung saan nakakuha ng pinakamataas na porsyento sa lahat ng mga negatibong epekto na inilahad sa aming talatanungan.
At dahil diyan, ang mga positibong sikolohikal na epekto ay nais maipaalam sa nakararami upang makatulong ito ng lubusan sa wastong paggamit ng mga social media apps. Bukod riyan, nais din namin na masolusyonan ang mga negatibong epekto uang kanilang malaman kung sila ay labis na gumagamit ng Facebook at TikTok o iba pang social media apps, lalo na kung ang labis na paggamit nila nito ay nakaapekto na rin sa kanilang sarili maging sa mga tao sa kanilang paligid partikular na sa kanilang pamilya; nang sa gayon, kanilang maitama ang mga maling paraan ng paggamit sa mga nasabing aplikasyon upang hindi na rin humantong pa sa nabanggit na negatibong epekto.
Dahil kung ikaw ang tatanungin, nanaisin mo ba na kahit kasama mo ang iyong pamilya ay mistulang hindi mo ramdam ang presensya nila dahil mas naka-pokus lamang sa Facebook at TikTok? Ayos lamang ba sa iyo na makaligtaan ang mga importanteng okasyon ng inyong pamilya? Sa tingin mo ba ay ikabubuti nila ang labis na paggamit nila sa Facebook at TikTok o sa iba pang social media apps?
Sa palagay ko naman ay HINDI...
Kung kaya't inaanyayahan ka namin na mag sign sa aming petisyon!
Dahil hindi lamang ito magiging kapaki-pakinabang sa mga kabataan upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga nagiging negatibong sikolohikal na epekto sa labis na paggamit ng social media. Sa halip, ito rin ay magiging kapaki-pakinabang sa mga magulang, mga mag-aaral , guro, mamamayan o sino man na gumagamit ng mga social media apps maliban pa sa Facebook at TikTok, at sa mga sumusunod pang mga mananaliksik. Sa paraang ito, mas magiging responsable, makabuluhan, at kapaki-pakinabang ang paggamit ng social media apps, na kung saan magkakaroon pa ng oras ang bawat isa na makihalubilo sa kanilang mga kaibigan at pamilya na magiging daan upang mas maging matatag pa ang samahan ng bawat isa.
At para sa mga karagdagang impormasyon maaari kayong tumungo sa aming mga sumusunod na accounts:
Facebook - Para sa Ka-BEH-Taan or https://www.facebook.com/prsakabehtaan/
TikTok - @prsakabehtaan or https://vt.tiktok.com/ZSdy28EqV/
Gmail - prsakabehtaan@gmail.com

Petition Closed
Share this petition
Petition created on April 27, 2022