Pag-aralin ang mga batang kalye na namamalimos at nagtitinda sa kalye

The Issue

Kung ang kabataan ang pag-asa ng Bayan kailangan may maganda silang edukasyon. Kung pababayaan sila sa lansangan balang araw problema narin sila ng Bayan. Sa mahal naming Mayor ng Lungsod Quezon Herbert Bautista, sa madalas kong pagdaan sa mga kalye ng Quezon City, madalas ko rin nakikita ang mga batang hinahayaan ng mga magulang nilang mamalimos at magtrabaho sa murang edad. Mga batang animo'y nakikipag-patintero kay Kamatayan sa highway o pampublikong daanan ng mga sasakyan. Aaminin ko po na hindi ako nagbibigay ng limos dahil ayoko silang masanay sa lansangan at maging permanente sila sa ganoong sitwasyon. Masakit mang isipin ito ay nagpapakita ng hindi magandang imahen sa inyong nasasakupan. 

Ang mga batang addict, batang hamog, snatcher, holdaper, pusher at iba-iba pang sakit ng ulo ng Bayan ay nanggaling halos sa mga batang lumaki sa lansangan na hindi nakapag-aral. Dapat sana ay nahubog sila sa edukasyon magandang halimbawa ng mabuting mamamayan. Dahil sa kahirapan naging biktima sila pangit na karanasan. Sayang ang Kabataan na magbibigay sana ng magandang bukas sa susunod na henerasyon kung sila'y hindi bibigyan ng atensyon. 

Ito ay suggestion po mahal naming Mayor, para narin sa ikabubuti ng iyong nasasakupan. Sana po'y bigyan ng oras ang aking petisyon.

This petition had 8 supporters

Petition Updates

Share this petition

Petition created on June 6, 2013