Panawagan para tugunan ang lumalalang krisis sa ekonomiya: Sahod itaas, presyo ibaba!

The Issue
Kaming mga manggagawa, magsasaka, kawani, maralita, sektor ng transportasyon, at karaniwang mamamayan, ay nananawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na agad na aksyunan ang lumalalang krisis pang-ekonomiya na kinakaharap ng bansa.
Ang mga nagdaang buwan ay naging napakahirap para sa ordinaryong Pilipino dahil sa nagtataasang presyo ng pagkain, langis, pamasahe, kuryente’t tubig; kawalan ng nakabubuhay na sahod at buwanang sweldo sa buong bansa; dumaraming walang trabaho; kawalan ng kabuhayan, patuloy na pagbagsak ng piso kontra dolyar, at paghina ng ekonomiya sa kabuuan. Hindi na maitatanggi na ang problema sa ekonomiya ay hindi lamang dala ng pandaigdigang krisis kundi bunsod din ng internal na mga kundisyon ng Pilipinas. Hindi na maitatanggi na mismong mga patakaran natin sa ekonomiya ang nagdudulot ng paghihirap sa tao. Hindi na maaaring sabihin na wala tayong magagawa, at magtiis na lang muna tayo hanggang lumipas ang krisis.
Naniniwala kaming may magagawa ang ating gobyerno, at may magagawa ang Malacañang sa harap ng lumalalang krisis.
Nananawagan kami sa Pangulo na bigyang pansin at tugunan ang mga sumusunod:
1. Itaas ang sahod sa buong bansa! Maglabas ng Executive Order, Wage Orders, at i-“certify as urgent” ang wage at salary bills na naghahangad ng family living wage o katumbas nito
2. Pagtanggal ng VAT sa essential products
3. Pagtanggal ng VAT sa produktong petrolyo
4. Pag-certify bilang urgent bill ang pagrepaso ng Oil Deregulation Law
5. Pagbibigay ng cash assistance o ayuda sa pinakamahihirap, walang trabaho, at mga nangangailangang maliit na negosyo
6. Pagpapababa ng presyo ng pagkain at pagtaguyod ng lokal na produksyon
7. Walang bagong buwis na ipapataw sa consumers
Marapat at kayang tugunan ang mga panawagang ito sa loob ng 30 araw magmula sa publikasyon ng pahayag na ito. Handa kaming humarap at makipag-usap sa anumang ahensya ng gobyerno kaugnay ng mga isyung ito. Ang hindi namin matatanggap ay ang sabihing wala nang magagawa ang gobyerno at magtiis na lang ang mga apektado.
Ginoong Pangulo, hirap na ang mga Pilipino. Kailangan na ng aksyon ng gobyerno.
3,960

Petition created on November 10, 2022