Panagutin ang Pangungurakot sa mga Flood Control Projects

Recent signers:
Casey Leyva and 19 others have signed recently.

The Issue

Sa gitna ng patuloy na paglala ng pagbaha sa Metro Manila, mula sa hagupit ng mga nagdaang bagyo, hanggang sa “phenomenal” na thunderstorms noong Agosto 30, 2025, libu-libong mamamayan ang muling binalot ng baha. Naranasan natin ang ma-stranded nang ilang oras sa mga paaralan, opisina, at maging sa gitna ng kalsada.

Inamin mismo ng DPWH na 70% ng drainage system ng Metro Manila ay barado ng putik at basura, habang maraming pumping stations ang hindi umandar sa oras ng pangangailangan. Samantala, mula sa ₱2 trilyong inilaan sa flood control sa loob ng nakaraang 15 taon, higit kalahati ay nilamon ng katiwalian, at 40% lamang ang tunay na napunta sa mga proyekto.

Dagdag pa rito, mismong mga lokal na pamahalaan ang umamin: daan-daang proyektong pang-flood control sa Maynila at Quezon City ang isinagawa nang walang permit, walang sapat na dokumentasyon, at sa maraming kaso, hindi natatapos o kaya’y maling naiulat na tapos na. Ito ang malinaw na mukha ng kapabayaan at pandarambong sa pondo ng taumbayan.

Malinaw na pang-aabuso ito sa pondo ng taumbayan. Buwis na pinaghirapan ng ordinaryong manggagawa, guro, empleyado, at maliliit na negosyante ang ginamit, ngunit kapalit nito ay mga proyektong palpak, hindi natatapos, at walang kabuluhan. Habang ang mga Pilipino ay lumulubog sa baha, ang pera ng bayan ay bumubuslo sa mga may kapangyarihan.

Sobra na. Sa kabila ng bilyon-bilyong pisong ibinubuhos taon-taon, nananatiling lumulubog sa baha ang Metro Manila. Manawagan tayong panagutin ang mga opisyal at kontraktor na nagpabaya at nagnakaw mula sa kaban ng bayan. Hinihiling namin ang agarang imbestigasyon, at ang pagkakaso at pagpaparusa sa mga maysala at sangkot sa katiwalian. Itigil na ang sistematikong korapsyon at pagpapabaya. Nakataya ang buhay at kaligtasan ng taumbayan.

-UP Act Against Corruption Network (UP ACTION)

avatar of the starter
Jevi QuitainPetition StarterAll UP Academic Employees Union Diliman (AUPAEU-Diliman)

265

Petition Updates

Share this petition

Petition created on September 1, 2025