PALITAN ang pangalan ng Gusaling Corazon Aquino sa PLM bilang GUSALING LILIOSA HILAO (GLH)

The Issue
Mula sa facebook post [May 13, 2016] ni Alvin Campomanes:
"Ito si Liliosa Hilao, 23 taong gulang, manunulat ng kilusang mag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Inaresto, ginahasa at namatay habang nasa kustodiya ng constabulary noong 1973. Ang kaso ni Lily ang unang kaso ng pagkamatay ng isang estudyanteng aktibista habang nasa detensyon noong martial law. Hindi nakakasama sa mga rali si Lily dahil mayroon siyang hika at mga allergy. Ang tanging armas niya laban sa rehimen ay ang kanyang panulat, gaya ng mababasa sa kanyang "Democracy is Dead in the Philippines under Martial Law".
Ayon sa militar, nagpakamatay si Lily sa isang men's restroom sa pamamagitan ng pag-inom ng muriatic acid. Ngunit iba ang sinasabi ng autopsy. Ginawang ashtray ang kanyang bibig. Nilagari ang katawan niya hanggang ari, pinutol rin ang kanyang ulo.
Tinanggalan siya ng utak at sikmura, pinutol-putol ang mga ito na parang dinuguan at ibinabad sa muriatic acid bago inilagay sa isang timba. Ganito dinala ang kanyang mga labi sa araw ng burol niya. Maraming sundalo ang ipinadala sa kanyang libing, marahil para hindi kumalat ang balita ng ginawa sa kanya. Sa nangyaring trahedya, pati ang mga kamag-anak ni Lily ay kinailangang umalis sa kanilang tahanan at magtago. Batid ng pamilya na sila ay nasa ilalim ng military surveillance sa loob ng maraming taon.
Magtatapos sana siyang cum laude sa degree na Communication Arts. Sa araw ng kanilang graduation, naglaan ng isang bakanteng upuan para sa kanya, at iginawad pa rin ang kanyang degree at karangalan. Isang kalye sa kanilang bayan sa Bulan, Sorsogon ang ipinangalan sa kanya noong 2001.
Isa lamang si Lily sa isang henerasyon ng matatalino, matatapang at idealistikong kabataan na pinaslang ng rehimeng militar ni Marcos.
Mula ang datos sa papel ni Prop. Michael Charleston Briones Chua (DLSU Departamento ng Kasaysayan) na pinamagatang 'Tortyur: Human Rights Violations During the Marcos Regime' at sa biographical entry sa kanya sa website ng Bantayog ng mga Bayani.
Narito ang mga link:
https://xiaochua.files.wordpress.com/2012/09/chua-tortyur-human-rights-violations-during-the-marcos-regime1.pdf
http://www.bantayog.org/?p=1059"
—————————————————————
Salamat sa ginawang pagpupugay ng PLM (noon) sa araw na dapat magtatapos si Lily. Sa kasalukuyang kalagayan ng PLM, nagdududa ako na may lakas ng loob ang administrasyon ng PLM na bigyang pugay o kahit paggalang manlang ang isang estudyanteng lalaban sa mapang-api na administrasyon kung saan ito nakatali dahil sa utang na loob.
Personal akong tumututol sa pagpapangalan ng mga pampublikong lugar, gusali, daan at iba pang istrukturang pagmamay-ari ng gobyerno kasunod sa pangalan ng piling pulitiko. Ngunit gusto ko ring ipagpatuloy ang hangarin ng pagpapangalan sa mga ito gamit ang dakilang pangalan ng mga taong may mabuting ambag sa kasaysayan nito. Kaya naman, nais kong palitan ang pangalan ng Gusaling Corazon Aquino bilang Gusaling Liliosa Hilao. Isang makabuluhang aksyon hindi lang para bigyang pugay at respeto ang isang iskolar-aktibista na lumaban sa batas militar kundi upang hindi rin makalimutan ang naging ambag ni Lily sa mahal nating Pamantasan at sambayanan.
Padayon!~
Joel LaraPetition Starter
This petition had 13 supporters

Petition Closed
Share this petition
The Decision Makers
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Board of Regents - Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Mayor Joseph Ejercito Estrada
City Council of the City of Manila
Petition Updates
Share this petition
Petition created on May 13, 2016