Confirmed victory
Petitioning Narra Municipal Council at Palawan Provincial Council
This petition was delivered to:
Narra Municipal Council at Palawan Provincial Council

Palawan Provincial Council: Tutulan ang DMCI Coal Fired Power Plant sa Brgy. Panacan, Narra, Palawan

Sakit, kawalan ng lamang dagat, dumi at purhisyo sa hanapbuhay.

Ganito ang kinahinatnan ng mga naninirahan sa Masinloc, Zambales nang itinayo doon Coal Fired Power Plant. Bumaba ang kanilang huling isda, nakontamina pa ang mga ito. Unti-unting namamatay ang kanilang mga bahura at lamang dagat. At araw-araw, nakalalanghap sila ng makapal na abo at mga nakakalalasong kemikal mula sa ibinubuga ng planta. Sa Naga Cebu, ang kapal ng abo sa mga bahay malapit sa planta ay di kapani-paniwala.

Ganito rin ang mangyayari sa amin.

Kami po ay mga mangingisda, mga magulang at mga katutubong Tagbanua at Cuyunin mula sa bayan ng Narra, Palawan. Nanganganib ang kabuhayan at kalusugan namin dahil sa Coal Fired Power Plant na ipapatakbo sa aming lugar.

Mariin naming tinutulan ang proyektong ito pero di kami pinakinggan ni isinama sa proseso sa pag-apruba ng Coal Fired Power Plant ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD).

Ngunit may pagkakataon pang hindi ito matuloy. Ito ay kung pagbotohan ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Panalalawigan na ibasura ang proyekto.

Naniniwala kami na kung mas marami ang makikialam, makikiisa ang mga opisyal ng Palawan sa aming mga mangingisdang residente ng Panacan at mga katutubong taga Narra. Kaya't kailangan namin ang tulong mo.

Napakalungkot isiping sa likod ng pagmamalaki nilang nangunguna ang Palawan sa pangangalaga ng kalikasan, pinagpipilitan ng mga nakaupo sa PCSD na ipatakbo ang Coal Fired Power Plant ng DMCI.

Kung isali sa pagbilang ang lahat ng mga gastos sa kalusugan, sa kapaligiran at sa kabuhayan, ang Coal Fired Power Plant na ito ay HINDI ang pinakamurang paraan ng paglikha ng kuryente taliwas sa kanilang sinasabi. Mga gastos sa pagpapagamot, mga mawawalang oportunidad sa hanapbuhay lalo na sa pangingisda, agrikultura at turismo, mga gastos sa mga sira sa pansariling gamit sa bahay at iba pa ay hindi sagot ng gobyerno kadalasan o ng DMCI kundi sa mga apektadong mamamayan sa Narra.

Batid naming malalaking tao ang aming mababangga, kaya't kailangan namin ang boses ninyo para mapakinggan kami. Heto ang mga boses ng iba pang residente ng Panacan na palalakasin ninyo sa pagpirma ng petisyong ito:

"Ako po ay isang katutubong Tagbanua na tumututol maitayo ang DMCI Coal Fired Power Plant sapagkat alam kong ito ay makasisira ng kalikasan at kalusugan ng mga tao bukod paruon halos lahat ng mga katutubo ng Isla Rasa ang aming pinahahanap-buhayan. At hindi lang ako ang umaayaw. Lahat ng mga katutubo ay umaayaw na itayo dito sa nasasakupan ng bayan ng Narra." - Monico Beleg

"Ako po ay humihingi ng tulong sa inyo na pigilan ang pagpapatayo ng Coal fired power plant alang-alang sa mga batang maliliit. Maraming epekto ito dahil mangingisda ang asawa ko at ang plantang ito ay ipapatayo malapit sa dagat at dito mismo sa aming barangay." - Rosalinda Mostiero

"Ito'y magiging dahilan ng mga karamdaman, sakit sa balat, ubo, sipon at lagnat. Kung paano ang nangyari sa Naga Cebu ay away kong mangyari sa Palawan. Sana po sa lahat ng mga pumirma sa gusto ay maliwanagan ang inyong pag-iisip at mabuksan ang mga matang natatakpan ng dilim." – Mila Sioco Tan

"Ako po ay nanawagan sa inyo na sana matolongan po ninyo kami na wag matoloy ang Coal-fired Power Plant dito sa amin dahil alam naman ninyo na masama po ito sa aming kalosogan. Maawa po kayo sa amin na mahihirap na naninirahan dito. Isa lang po kaming mangingisda at maliit lang po ang aming bangka disagwan lang po ito sir, mam. Ayaw naming ito" - Fely Javier

Letter to
Narra Municipal Council at Palawan Provincial Council
Tutulan ang DMCI Coal Fired Power Plant sa Brgy. Panacan, Narra, Palawan