PAGTUTOL SA ITATAYONG LANDFILL SA BRGY. IMOK, CALAUAN, LAGUNA

The Issue
Batay sa topographic data at opisyal na ulat ng mga ahensya ng gobyerno, ang lokasyon ng proposed landfill sa Brgy. Imok, Calauan, ay mataas, matarik, at landslide prone. Ito ay matatagpuan sa itaas ng maraming barangay at pamayanan, na agad naglalagay sa panganib sa buhay, kalusugan, tubig, sakahan, at kabuhayan ng mga komunidad sa paligid nito. Ang paglalagay ng landfill sa ganitong uri ng lokasyon ay hindi lamang malinga, kundi lubos na mapanganib para sa lahat ng nakatira sa kalapit na mga lugar.
Kinikilala natin ang pangangailangan para sa maayos na waste management systems. Gayunpaman, ang pagpili ng lokasyon para sa waste management facilities ay hindi dapat isinasakripisyo ang kaligtasan at kapakanan ng tao at kalikasan. Ang Brgy. Imok ay isang lugar na kilala sa pagiging landslide-prone, at anumang proyekto na nagdadagdag ng panganib ay dapat agad na itigil at pag-isipang muli.
Ang mga pamayanan sa paligid ng Brgy. Imok ay umaasa sa kanilang agrikultura at likas na yaman para sa kanilang pangunahing kabuhayan. Ang kontaminasyon ng tubig at lupa dulot ng landfill na ito ay magdadala ng di-maibabalik na pinsala sa kanilang mga sakahan at ikinabubuhay.
May inilabas na ECC, ngunit ito ay conditional approval lamang at hindi pahintulot para magtayo sa maling lokasyon o magsagawa ng iligal na earth moving. Notice of Violation / ENRO Report Opisyal na Notice of Violation: may earth extraction at hauling na isinagawa nang walang sapat na permit kahit may ECC.
Notice of Violation / ENRO Report Opisyal na Notice of Violation: may earth extraction at hauling na isinagawa nang walang sapat na permit kahit may ECC.
Nanawagan kami sa DENR-EMB, Provincial Government of Laguna, DILG, at LGU ng Calauan na agarang kumilos, tutulan ang mapanganib na proyekto, at papanagutin ang mga lumabag sa batas!
Umaasa kami sa inyong suporta at lagda upang ipakita ang pagtutol at pagsusulong ng isang mas ligtas at sustainable na solusyon para sa waste management sa ating bayan. Paki-sign ang petisyon na ito para protektahan ang ating komunidad at kalikasan.

1

Petition created on February 2, 2026