PAGPIGIL NG PHASE-OUT NG JEEP SA BUONG BANSA

The Issue
Ang Jeep ay isang maipagmamalaking simbolo ng ating bansa. Kumakatawan ito sa kultura at tradisyon na mayroon ang mamamayang Pilipino. Tumututol po kami na basta na lamang itong gawing scrap sang-ayon sa iminumungkahi ng Public Utility Modernization Program (PUVMP).
Taong 2017 ay sinimulang ipatupad ng pamahalaan ni Pangulong Duterte ang PUVMP na ang tanging nakunsulta ay ang mga kilalang mga tao sa antas nasyonal o sa antas lamang ng pederasyon, Hindi ito kumakatawan sa tinatayang 180,000 hanggang 270,000 ng mga may prangkisang Jeep sa buong bansa na halos 75,000 sa mga ito ay nasa kalakhang Maynila. Hindi rin nakunsulta ang mga Jeepney Operators and Drivers Associations (JODA) sa buong bansa. Tahasang paglabag ito sa isinasaad ng Local Government Code RA 7160 na ang bawat desisyon at pamantayan ng gobyerno ay dapat na dumaan sa isang pangmalawakang konsultasyon at sinangayunan ng mas nakararami sa apektadong sektor;
Sumasang-ayon kami na dapat na mapalitan ng Euro 4 na makina ang aming mga jeep bilang pakikiisa sa pagbabawas ng polusyon sa bansa, subalit tumututol kami sa ipinagpipilitang porma ng Modernized Jeep na sadyang hindi angkop sa mga pangunahing kalsada ng buong bansa. Nananawagan kami na matulungan kami
ng pamahalaan sa pagpapalit ng aming mga makina, maiayos ang body parts nito at mapananatili ang disenyo ng aming mga jeep. Ipinapahayag namin ang aming lubos na pagkadismaya sa panggigipit sa aming sektor habang hindi naman requirement sa mga pribadong sasakyan ang makinang Euro 4 at hindi naman ipinagbabawal ng pamahalaan ang operasyon ng mga dambuhalang mga power plants na gumagamit ng fossil fuel na ayon sa mga pag-aaral ay pinakamalaking sanhi ng polusyon sa mundo;
Tinututulan namin ang ipinipilit na porma ng consolidation. Ang pagsapi sa anumang korporasyon at kooperatiba ay open at voluntary sang ayon sa isa sa 7 prinsipyo ng kooperatiba na nakasaad sa Cooperative Code o Republic Act 9520. Hindi sapat na batayan ang limitado at mabilisang pag-aaral na ginawa nila Pontawe at Napalang na ang grupong 1TEAM lamang ang ikinunsidera at ginawan nang case study at tahasang iwinaglit ang mga JODA at ang kanilang mga pamilya sa usaping ito;
Tinututulan namin ang financing scheme na ipinipilit sa consolidation, na nagtatakda na kami ang mangutang mula sa 1.3 million na aabot sa halagang 2.5 million na babayaran naming sa loob ng pitong (7) taon, at nagtatakda ng iba pang mga kundisyon na hindi kakayanin ng mga jeepney drivers and operators. Naisadya po
namin ang aming mga jeep ng dahan-dahan ayon sa aming mga kakayahan at hindi po kami mangungutang para lamang magkaroon ng isang modern jeep na lalo lamang maglulubog sa aming mga pamilya sa mas higit na kahirapan at patuloy na magpapayaman sa mga financing institutions gaya ng gustong mangyari ng pamahalaan;
Nakikiusap po kami sa pamahalaan na pansinin naman ang aming sektor sa gitna ng pandemya. Marami po sa amin ang ginipit dahil hindi kami pinayagang bumiyahe sa aming mga ruta kahit na kami ay may mga prangkisa at ginamit pa ang krisis na ito upang mabigyan ng higit na pabor ang mga modern jeep na gamitin ang aming mga ruta kahit na wala naman silang mga prangkisa. Hindi rin po nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program ng pamahalaan ang mayorya sa mga miyembro ng mga JODA, kung kaya’t iminumungkahi namin sa pamahalaan na patuloy na magbigay ng ayuda s amga JODA lalo na sa mga hindi pa nakakatanggap ng SAP.
Iminumungkahi po namin ang mas malawakan at sinserong pag-aaral pa sa usaping ito at nangangako kami na aming patuloy na aayusin, patatatagin at gagawing sistemako ang pamamahala ng aming hanay; Tinututulan po namin ang naka-ambang pagkansela ng aming mga prangkisa sa buwan ng Disyembre 2020.
Lalo po itong magpapahirap sa aming sektor.
NANANAWAGAN PO KAMI SA INYO PANGULONG RODRIGO DUTERTE, PANGALAWANG PANGULO LENI ROBREDO, MGA SENADOR AT KONGRESISTA, LOCAL GOVERNMENT UNITS, DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND RAILWAYS (DoTR), LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING BOARD (LTFRB) AT LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) NA:
HUWAG PONG ITULOY ANG PHASE-OUT NG JEEP; HUWAG PONG ITULOY ANG PAGKANSELA NG MGA PRANGKISA NG MGA JEEP SA DARATING NA DISYEMBRE.
PATULOY NA PAG ARALAN ANG PUBLIC UTILITY VEHICLE MODERNIZATION PROGRAM NG PAMAHALAAN NA MAY TOTOO, SINSERO AT MALAWAKANG PAGKUNSULTA SA MGA APEKTADONG SEKTOR; AT MAGPATUPAD NG ISANG BATAS NA MAGSISIGURO SA MGA KARAPATAN, KAKAYAHAN AT KAPAKANAN NG MALILIIT NA MGA JEEPNEY OPERATORS AT DRIVERS AT NG KANILANG MGA PAMILYA.

Petition Closed
Share this petition
The Decision Makers
Petition created on October 14, 2020