Petition for OFWs: #OFWAssistanceNow

0 have signed. Let’s get to 25,000!


Kami, mga nakalagda, ay nananawagan sa gobyerno ng Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte: ilabas na ang tulong pinansyal para sa lahat ng OFWs na nangangailangan at apektado ng Covid-19 pandemic, saan mang bansa naroon.

Dahil sa pandaigdigang pandemic, nagpatupad ang mga bansa ng mga quarantine at lockdown, at saklaw kahit ang mga manggagawang migrante. Katulad sa Pilipinas, maraming kumpanya at negosyo ang apektado.

Dahil dito, maraming OFW ang natanggal sa trabaho, delayed ang sahod, kinaltasan ang sahod, at nalagay sa forced unpaid leave at “no work, no pay.” Mayroon ding natapos ang kontrata at hindi makahanap ng bagong trabaho o makauwi sa Pilipinas; at mga “tourist/visit visa holder” na stranded.

Samakatwid, maraming OFW ang nawalan ng kita at wala nang pera para magpadala sa pamilya sa Pilipinas. Wala na ring pantustos ang marami para mabuhay sa mga host countries: pambili ng pagkain at mga pangangailangan, pambayad sa renta, utilities, atbp. Gutom at hirap na ang mga OFW at kanilang pamilya sa Pilipinas.

Nagbigay ng pag-asa sa maraming OFW at kanilang pamilya ang pangako noong Marso 25 ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magbibigay ng tulong pinansyal na USD 200. Ngunit mabilis itong naging lungkot at pagkadismaya, kung hindi man galit, dahil sa mabagal na paglabas ng nasabing tulong at paglimita lang nito sa mga natanggal sa trabaho sa mga priyoridad na bansa.

Ayon sa DOLE Guidelines, 150,000 OFWs lang ang maaaring bigyan ng tulong at tanging mga OFWs na nawalan ng trabaho sa mga bansang priyoridad lang ang pwedeng maging benepisyaryo. Hindi man lang ito aabot sa kalahati ng 420,000 OFWs na inaasahang uuwi ng Pilipinas dahil sa COVID-19 recession.

Ang aming panawagan:


1. Ang tulong pinansyal, dapat para sa lahat ng OFWs at kababayan na nangangailangan at apektado ng COVID-19 pandemic saan man naroon. Dapat bigyan ng tulong ang mga sumusunod:

a. OFWs na natanggal sa trabaho, nasa host country man o sa Pilipinas


b. OFWs na nalagay sa kondisyong “forced unpaid leave” at “no work, no pay”


c. OFWs na kinaltasan ang sahod (reduced salaries)


d. OFWs na natapos ang kontrata at hindi makahanap ng bagong trabaho o makabalik sa Pilipinas gawa ng lockdown ng host country at kawalan ng flights.


e. Mga Pilipino na “tourist visa holder” at hindi makabalik sa Pilipinas dahil lockdown sa host country.


f. OFWs na nasa mga shelter -- Bahay Kalinga, SSWA, POLO shelters, atbp.


g. OFWs na nasa quarantine o self-isolation.


h. Balik-manggagawa na stranded dahil sa lockdown sa Pilipinas


i. OFW frontliners


j. OFW health workers na apektado ng suspension ng overseas deployment


k. Mga tinanggal o lumayas na household workers na ang kaso’y napagkamalang hindi kaugnay ng Covid-19.


l. Mga Pilipinong migrante na nasa mga education o cultural exchange programmes tulad ng US J-1 visa holders at AU Pairs in Europe.


m. Mga biktima ng human trafficking


n. OFWs na nakakulong at nasa death row


o. Stranded undocumented Filipinos


p. Seafarers


2. Ang pondo, dapat agarang ilabas na at ipamahagi. Gawing accessible, ligtas, at mabilis ang pagpoproseso at disbursement ng tulong pinansyal. Maaari ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:


a. Online, sa pagtutulungan ng mga bangko, remittance shops, and telcos;


b. Worksite processing and disbursement


c. One-stop processing sa NAIA


3. Hinihiling din namin sa pamahalaan na sa Pilipinas ay dapat:


a. Protektahan ang mga frontliner sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga pampublikong ospital;


b. Agarang tulong pinansyal o relief para sa mga mamamayan, lalo na sa mahihirap;


c. Igalang ang mga karapatang pantao

 

Sa loob ng maraming dekada, ang remittance ng mga OFW ang nagsilbing salbabida ng ekonomiya ng bansa. Dahil sa Covid-19 pandemic, nasa sitwasyon tayo kung saan ang mga OFW naman ang nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno. Dapat kagyat na tugunan ng gobyerno ng Pilipinas ang responsibilidad nito sa mga mamamayan sa loob at labas ng bansa.


Gutom na po ang mga OFWs at kanilang mga pamilya sa Pilipinas.


#OFWAssistanceNow
#NasaanAngTulong