NO TO THE PROPOSED BULSU GRADING SYSTEM!

2,206

The Issue

Ang panukalang proposed grading system ng Bulacan State University ay naglalayong baguhin ang kasalukuyang paraan ng pagsusukat at pagbibigay ng marka sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagsasama ng Flipped Classroom at Evidence-Based Grading System sa ilalim ng Outcomes-Based Education (OBE) framework. Sa ilalim ng panukala, 20% ng grado ay ilalaan sa pre-class evidence of learning, 30% sa in-class evidence, 30% sa post-class mastery, at 20% sa term examinations.

Bagama’t nakaugat ito sa layuning gawing mas nakasentro sa learning outcomes ang edukasyon, nananatiling mahalagang tanong kung ang ganitong sistema ay tunay na angkop, makatarungan, at praktikal para sa kabuuan ng student body. Ang malaking pagbabago sa paraan ng pagkatuto at pagmamarka ay maaaring magkaroon ng direktang epekto sa academic workload, oras, access sa learning resources, at kakayahan ng mga estudyante na makasabay sa iba't ibang pangangailangang akademiko at personal.

Bilang mga estudyante, naninindigan tayo na ang anumang pagbabago sa grading system ay dapat dumaan sa makabuluhan, transparent, at inclusive na konsultasyon sa student body. Ang sistema ng pagmamarka ay hindi lamang teknikal na usapin sapagkat direktang nakaaapekto ito sa aming academic standing, scholarship eligibility, retention, graduation, at iba pang mahahalagang aspeto ng ating buhay bilang mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng petisyong ito, hinihiling natin na muling suriin at pag-aralan ang panukalang grading system, isaalang-alang ang mga lehitimong pangamba at karanasan ng mga estudyante, at tiyaking anumang ipatutupad na sistema ay makatarungan, malinaw, accessible, at tunay na nakatutugon sa kalagayan ng mga Iskolar ng Bayan. Hindi natin tinututulan ang pagnanais na pagbutihin ang kalidad ng edukasyon; ang ating panawagan ay para sa isang pagbabago na hindi lamang makabago sa konsepto, kundi makatarungan at makabuluhan para sa mga estudyanteng siyang direktang maaapektuhan nito.

Petition Updates