Petition Closed

Malnutrisyo't Kagutuman Dapat Iwasan: Isyung Kahirapan Ating Solusyunan

This petition had 217 supporters


 

'Ni minsan ba ay binabagabag ka ng iyong konsensya sa 
tuwing nakakakita ka ng batang nanlilimos sa lansangan? 
Pagnilayan ang sumusunod na senaryo ng isang magulang at 
anak sa hapag-kainan.

 

Ina: Anak, ubusin mo na 'yang pagkain mo, maraming bata 
ang nagugutom. Mabuti nga't ikaw eh may nakakain ka pa.


Anak: Bakit 'Nay? Pag kinain ko ba 'to, mabubusog sila?

 

Tunay na nakatatawa ang senaryong ito. Ngunit, minsan 
ba'y sumagi na sa iyong isipan ang tunay na kalagayan ng 
mga kapus-palad sa ating bansa? Mahigit-kumulang 22 
milyong katao sa 102 milyong populasyon ng Pilipinas ang 
naghihirap. Kabilang na rito ang mga pamilyang hindi 
nakakakain ng tatlong beses sa isang araw marahil na sa kakulangan ng gobyerno sa pondo at isyu sa korapsyon. Dahil dito, nagdudulot ito ng malnutrisyon at kagutuman sa bawat mamamayang maralita sa ating bansa.


Upang bigyang linaw, ang malnutrisyon ay isang palansak na kataga sa kondisyong medikal na sanhi ng mali o kakulangan sa pagkain. Karaniwang ginagamit ito sa kakulangan ng nutrisyon bunga ng hindi sapat na pagkain, mababang pagkatunaw, o labis na pagkawala ng nutrisyon. Karaniwang, ang mga taong malnoris ay walang sapat na kalorya sa kanilang pagkain o kumakain na kulang sa kailangang protina, bitamina, o mineral. Ang mga problemang mediko na bunga ng malnutrisyon ay karaniwang tinatawag na sakit sa kakulangan. Kasama sa karaniwang uri ng malnutrisyon ang protein-energy malnutrition (PEM) at micronutrient malnutrition.


Ang PEM ay tumutukoy sa kakulangan sa magagamit o makukuhang lakas at protina sa katawan. Ang malnutrisyong maykronutriyent ay tumutukoy sa kakulangan sa magagamit na bitamina at mineral na kailangan ng katawan. Ang kakulangan sa maykronutriyent ay nagbubunga ng maraming sakit at humahadlang sa normal na gawain ng katawan. Ang kakulangan ng maykronutriyent tulad ng Bitamina A ay nagpapababa sa kapasidad ng katawang lumaban sa sakit.

 

Ang mga sumusunod ay sinasabing bunga ng kakulangan sa sustansya:

o  Kakulangan sa katangkaran

o  Mahinang pag-iisip at iba't ibang kahinaan sa abilidad ng pag-iisip

o  Mahinang pagkilos 

o  Mahinang paglaki ng muscle

o  Mahinang lakas

o  Malnutrisyon

 

Dagdag pa rito, ang nutrisyon ang nagsisilbing puhunan at pundasyon ng 
isang tao upang makamit ang minimithi sa buhay. Sa 
madaling sabi, kung walang nutrisyon, walang lakas ang 
katawan, kung walang lakas ang katawan, walang trabaho, 
kung walang trabaho, walang pagkain, kung walang 
pagkain, magugutom, kapag sobra ang pagkagutom... 
maaari itong sanhi ng kamatayan. Ngunit, kahit ilang 
beses pa man nating isipin, ang nutrisyon ng isang tao 
ay mahalaga, at kinakailangang bigyan ng pansin ng bawat 
isa sa atin.

Sa huli, mahirap man malabanan ang malnutrisyon at 
kagutuman ng bansa, hindi pa rin dapat tayo mawalan ng 
pag-asa na darating ang panahon na masusugpo ng mga 
Pilipino ang malalang problemang ito. Kinakailangan 
lamang na pag-ukulan ng pansin ang isyung ito, lalong 
lalo na ng gobyerno at ang bawat mamamayan ng bansa. 
Hindi lamang iyon, kinakailangan din ang pakikiisa ng 
lahat ng sektor ng lipunan nang sa gayon ay makamtan 
natin ang layuning mabura ang malnutrisyon at kagutuman 
sa Pilipinas.

 

 

Malnutrisyo't Kagutuman Dapat Iwasan: Isyung Kahirapan 
Ating Solusyunan
Isinulat nila: 
Dennisse Mae San Jose
Alita Anlei Tupaz
Joan Marie Undazan



Today: Alita Anlei is counting on you

Alita Anlei Tupaz needs your help with “National Nutrition Council PH: Malnutrisyo't Kagutuman Dapat Iwasan: Isyung Kahirapan Ating Solusyunan”. Join Alita Anlei and 216 supporters today.