MGB, DENR at DPWH: Alamin ang integridad ng mga naiwang dams ng Marcopper Mining Corp. sa Marinduque. Nakataya ang buhay at kabuhayan ng 87,000 mamamayan sa bayan ng Boac at Mogpog kung ang mga ito ay muling masisira.

The Issue

Nito lamang nagdaang Agusto 26, 2014 ay nakaranas ang bayan ng Poblacion, Boac, Marinduque ng hanggang dibdib na baha na dulot lamang ng isang Low Pressure Area (LPA) malapit sa Alabat, Quezon. Ang itinuturong dahilan ng mabilis na pag-baha ay ang makikipot na daluyan ng tubig papalabas ng Poblacion. Nakababahala ang mga kuhang video at larawan ng mga kababayan nating nakaranas ng kalamidad na ito na tila nagpapa-alala ng isang bangungot na nangyari labingwalong (18) taon na ang nakaraan.

http://www.youtube.com/watch?v=eyUJPKrdoxA

https://www.facebook.com/miguel.magalang/media_set?set=a.10204868754543187.1073741920.1369212103&type=1

Noong Marso 24, 1996, isang malawakang pagbaha sa bayan ng Boac ang naranasan dahil sa pagkasira ng drainage tunnel ng ng Marcopper Mining Corporation. Dumaloy sa 27 kilometrong ilog ng Boac ang tinatayang 1.5 hanggang 3 million cubic meters ng mine tailings buhat sa Tapian Pit na sa pagtataya ay naglalaman ng humigit-kumulang 23 million metric tons na mine waste.  Bunga nito, ilang barangay ang nalubog sa halos anim na talampakang putik at tubig, mahigit 400 pamilya nawalan ng tirahan at 20 barangay ang kinailangang ilikas, ilang milyong halaga ng pananim, taniman at mga alagang hayop ang napinsala. Itinuring ang trahedyang ito na isa sa pinaka-malaking trahedya sa pagmimina sa Pilipinas at maging sa buong mundo.  

Bago pa man ang trahedyang nabanggit ay may nauna nang pagbaha na naganap naman sa bayan ng Mogpog na dulot din ng isang dam ng Marcopper Mining Corporation, ang Maguila-guila Siltation Dam. Disyembre 6, 1993 ng bumigay ang nasabing dam na nagdulot ng pagbaha sa bayan ng Mogpog na nagresulta ng kamatayan ng dalawang katao, pagkalubog ng ilang barangay sa putik at tubig, pagkamatay ng mga alagang hayop, pagkasira ng mga kabahayan at palayan. Hindi nabigyan ng maayos na atensyon ng publiko ang pangyayaring ito maging ang mga datus ng pinsala hindi tulad ng pangyayari sa bayan ng Boac.

https://www.facebook.com/video.php?v=10151791983677472&video_source=pages_finch_thumbnail_video

Dulot ng mga nasabing trahedya at panawagan ng mga mamamayan, nagsarado ang Marcopper Mining Corporation at umalis ng bansa ang Placer Dome na siyang nagmamay-ari nito. Naiwan sa Marinduque ang mga dams ng minahan na ngayon ay nagbabadya ng panganib sa buhay at kabuhayan ng mga mamayan ng Marinduque. Kung ang simpleng ulan ay nagdadala na ng hanggang dibdib na baha sa bayan ng Boac, ano pa kaya kung bumigay ng tuluyan ang mga napabayaang dams? Hihintayin pa ba nating maganap muli ang mga ganitong trahedya? Nangyari na ito noon….. huwag naman sanang mangyari muli.

http://newsinfo.inquirer.net/108417/denr-bureau-warns-mine-wastes-spill-threaten-2-marinduque-towns

http://newsinfo.inquirer.net/97513/leak-at-marcopper-mine-site-again-raises-fears

Ang ating panawagan, magkaroon ng pagtutulungan ang mga nararapat na ahensya ng gobyerno na pag-aralan at alamin ang integredad ng mga naiwang dams ng Marcopper Mining Corporation sa Marinduque. Tanggalin ninyo ang pangamba sa puso ng ating mga mamamayan….. halos dalawang dekada na ang nakalipas….. kamusta na kaya ang mga napabayaang dams?  

This petition had 5,222 supporters

The Decision Makers

Secretary Ramon P.J. Paje
Secretary Ramon P.J. Paje
Department of Environment and Natural Resources
Secretary Rogelio L. Singson
Secretary Rogelio L. Singson
Department of Public Works and Highways
Director Leo L. Jasareno
Director Leo L. Jasareno
Mines and Geosciences Bureau
Petition updates