Itigil ang bayarin sa tubig at kuryente sa panahon ng COVID-19 Quarantine

The Issue
Kung ipagpaliban lang ng isang buwan ang pagbayad sa singil ng kuryente at tubig, maiipon lang ang dalawang buwang bayarin sa Abril. Hindi pa rin kakayaning bayaran ng marami ang naipong dalawang buwang singil dahil walang kita ang lahat sa panahon ng quarantine or lockdown. Ang kailangan ay condonation o ang lubusang hindi pag singil ng mga kumpanya ng tubig at kuryente ngayong buwan o habang may quarantine o lockdown na iniutos ang gobyerno.
Panahon na para maibalik naman ng mga public utilities tulad ng Maynilad, Manila Water at Meralco ang dambuhalang tubo nila sa taong bayan sa nakalipas na maraming taon. Ayon mismo sa report ng mga kumpanyang ito, ang income ng Manila Water noong 2019 ay Php 5.5 Billion at Php 7.7 Billion naman ang tubo ng Maynilad. Ang Meralco ay kumita ng Php 23.8 Billion noong 2019.
Sa pag-aaral ng Makabayan Coalition, bilyon bilyon ang kita ng Meralco sa Php 26 Billion na galing sa di makatarungang pag singil sa atin ng “Bill Deposit”. May Php 29 Billion na overrecovery o sobrang singil rin ang Meralco na kailangang i-refund pa nga sa lahat ng consumers nya. Ganun din ang bilyon bilyon na income tax ng Maynilad at Manila Water na siningil pa nila sa lahat ating mga consumers kahit di dapat. Marami na rin silang mga proyektong siningil, tulad ng sewerage, na hindi naman pala ginawa.
Sa panahon ng quarantine o lockdown walang kita ang halos lahat lalo na ang mahihirap. Di katulad ng mga kumpanya ng tubig at kuryente na may huhugutan pa na savings o tubo nila sa nakalipas na mga taon, ang maraming consumers nila ay walang savings o naipong tubo na maaring pagkunan.
Kaming nakalagay ang pangalan sa petisyong ito ay nananawagan.
Panahon na para ibalik naman sa lahat ang dambuhalang kita ng mga kumpanyang ito. Hindi lang pagpaliban o pag postpone ng pagbayad ang kailangan ng taong bayan. Dapat condonation, o bill waiver o lubusang hindi pagsingil ng bayarin sa tubig at kuryente sa buwang ito o habang may quarantine na iniuutos ang gobyerno.

Petition Closed
Share this petition
Petition Updates
Share this petition
Petition created on March 28, 2020