Victory

Halungkatin at alamin ang kaya ng basura

This petition made change with 110 supporters!


Basura!! Isa sa problema sa ating bansa na Malabong maiwasan pa, na habang buhay sa ati’y magdudulot ng malaking problema. Problemang tiyak kong malaki ang epekto sa iba dahil naaapektuhan pati kalusugan nila. Mga basurang tingin naten ay wala ng kweta ngunit sa iba ay may pakinabang pa, dahil dito sila kumukuha ng pangkain nila na kahit alam nilang malaki ang epekto sa kalusugan nila ginagawa parin nila.

Bundok bundok na basura sa ating komunidad tayo’y nilalamon na, na habang tumatagal ay dumadami pa. di tamang pagtatapon ng basura maaaring magdulot ng problema, tulad ng pagbaha, pagkabarado ng mga kanal at marami pang iba. Magdudulot ito ng matinding pagbaha na kung saan tayo din ang may gawa mga kalokohang pinag gagawa sa ibay salot ang napapala. Mga ilog na dati’y kay gaganda ngayo’y di na mapakinabangan pa, dahil itoy sinira na ng basura. na dating pinagliliguan ngayoy pinandidirihan na. dahil na iipon dito ang mga basura na pag umulan tyak ay aapaw at mag bibigay ng problema sa iba. Maraming tao na ang nagdudusa sa epekto ng basura , marami ng nagkakasakit at marami nadin ang namamatay. sana naman ay ating iwasan na ang pagtatapon ng basura o bawas bawasan upang ang mga ilog ay muling nating mapakinabangan pa. itoy ba’y hindi pa sapat upang ating tigilan na ang pagtatapon ng basura? ilan pabang ang magdudusa sa mga kagagawan natin? Sira na ang kapaligiran dadagdagan mo paba?



Today: vincent is counting on you

vincent osal needs your help with “Mayor jay vergara: Halungkatin at alamin ang kaya ng basura”. Join vincent and 109 supporters today.