Baha sa iba't ibang baranggay sa Cabanatuan kailangang masolusyunan

0 have signed. Let’s get to 200!


Sa mga naninirahan sa Cabanatuan may tanong lang ako sa inyo kung nakaranas na kayo ng baha sa baranggay niyo tuwing umuulan o bumabagyo? Ito ang isa sa mga problema dito sa atin na nais kong magawan ng solusyon upang maiwasan ang baha dito sa atin. Inaanyayahan ko ang bawat isa na makilahok sa paglilinis ng mga imbornal dito sa atin at pagpapalalim at pagpapaluwang ng mga daluyan ng tubig hanggang sa tapunan nito. Ang petisyon na ito ay hindi lamang para sa mga naninirahan sa Cabanatuan na binabaha ang kanilang lugar kundi para na rin sa lahat ng nakakaranas ng baha.

Mga payo para makaiwas sa baha. Una huwag magtapon ng basura kung saan saan lalo na sa mga daluyan ng tubig upang hindi ito mabarahan o bumara. Ikalawa magtanim ng mga puno ng sa gayon ay mayroong sumisipsip ng tubig. At ang ikatlo maging alerto sa mga balitang inuulat sa telebisyon o radyo upang maging handa sa kung ano man ang mangyayare at kung saan ang pupuntahan kung sakaling kayo o tayo ay palikasin sa ating mga kabahayan. Ako po ay umaasang ang petisyong ito ay inyo pong susuportahan. 

Maraming salamat po!!



Today: Qwerty is counting on you

Qwerty Uiop needs your help with “Mayor Jay Vergara: Baha sa iba't ibang baranggay sa Cabanatuan kailangang masolusyunan”. Join Qwerty and 101 supporters today.