"Tamang Basurahan ang kailangan, Kalinisan ang dapat"

0 have signed. Let’s get to 200!


     Sa Panahon ngayon maraming kalat na  ang nasa paligid. Ito ba ay tama pa o Ito ba ay dapat Linisin na. Hindi mahirap ang paglinis ng mga kalat kung ito'y ating pagtutuunan ng pansin. Kaya ang tamang basurahan ang kailangan. 

     Tamang basurahan ang mas kailangan ng nakararami dahil ito ang paraan para maging malinis ang kapaligiran. Ito din ang dapat para maiwasan ang mga sakit. Dapat pagtuunan ng pansin ang paglagay ng basurahan sa bawat kanto ng bawat baranggay upang sa ganon ay maiwasan ang mga kalat sa kapaligiran. Hindi ito para sa isa lamang kung hindi para sa mas nakararami.                                                                    Ang paglagay ng tamang basurahan sa bawat kanto ng bawat baranggay ay madali lamang kung iisipin natin ang ating kalusugan at dahil sa mga kalat ay hindi lang tao ang naaapektuhan kung hindi pati na rin ang kalikasan, Kalikasan na dapat iniingatan at pinahahalagahan sapagkat dahil sa basura lamang ay nasisisra na ito. 

       "Ang basura ba ang magiging dahilan sa pagkasira ng ating kalikasan, ng ating kalusugan at ng ating mundo?" Ito ba ay ating hahayaan? 

         Kaya ang tamang basurahan ang kailangan, kalinisan ang dapat. 



Today: Jonalyn is counting on you

Jonalyn Gonzales needs your help with “Mayor Jay : "Tamang Basurahan ang kailangan, Kalinisan ang dapat"”. Join Jonalyn and 108 supporters today.