BALIK-PASADA NG LAHAT NG JEEPNEYs AT PUBLIC UTILITY VEHICLES (PUV), NGAYON NA!

BALIK-PASADA NG LAHAT NG JEEPNEYs AT PUBLIC UTILITY VEHICLES (PUV), NGAYON NA!

0 have signed. Let’s get to 1,000!
At 1,000 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
BAYAN Timog Katagalugan started this petition to Local government units and

Matindi ang dagok na naiudlot ng pandemikong krisis na COVID-19 hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi sa buong daigdig. Bumagsak ang sosyo-ekonomikong katayuan ng bawat sektor ng lipunan higit lalo ang mga maralita, magsasaka at manggagawa. Ramdam ng bawat indbiwal na arawan ang kita o daily earners ang kahirapan dulot ng kawalan ng kita dahil sa lockdown at marami ang tuluyan nang nawalan ng hanapbuhay. Ito ang kinakaharap ng daan-libong mga jeepney at PUV drivers na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik pasada at patuloy ang banta ng PUV Modernization Program kung saan maaring humantong sa tuluyang jeepney at PUV phaseout. 

Maalalang sa kalagitnaan ng pandemya, libo-libong mga kababayan natin ang walang masakyan patungo sa kanilang mga trabaho at pauwi sa kanilang mga tahanan dahil sapiliting nireregularisa ang pagbabalik-pasada ng mga PUVs. Nagpakana pa nga nang beep card ang gubyerno kasapakat ang pribadong sektor ng Ayala Corporations and Metropacific Investments Corporation sa bisa ng joint venture agreement upang makasakay ng mga jeepneys, bus, at maging sa mga LRTs at MRTs.

Ang mga mamamayan ng Timog Katagalugan, higit lalo ang mga tsuper at operator ng PUVs ay naninindigan na muling makabalik sa pasada ang mga PUVs -- tricycle, jeepneys, buses, UV Expresses at magkaroon ng pamasaheng abot kaya ng bawat isa sa gitna ng pandemya. Hindi nating hahayaan na kopoin ng mga pribadyo, dayuhan at dambuhalang korporasyong ang dapat sana ay serbisyo sa ngalan ng transportasyon para sa publiko!

0 have signed. Let’s get to 1,000!
At 1,000 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!