Kahalagahan ng Pag-aaral sa Buhay ni Rizal (R.A. 1425)

The Issue
Ano nga ba ang patungkol sa R.A.1425? Ito ay kilala bilang batas Rizal, ito ay isang aksyon na isama sa kurikulum ng lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, kolehiyo at unibersidad kasama na ang mga akdang Noli Me Tangere at El Filibusterismo at pag-aralan ang buhay at mga gawa ni Dr. Jose Rizal. Ang batas ay inakda ni Senador Carlo M. Recto sapagkat siya ay naniniwala na si Rizal ay isang magandang halimbawa lalo na sa mga kabataan. Sapagkat ang batas na ito ay mayroong hangarin na itanim ang tunay na kahulugan ng nationalismo at pagkamakabayan sa bawat Pilipino.Lalo na sa bagong henerasyon. Ito ay naisakatuparan noong June 12,1956.
Sa pagpapatupad ng batas na ito mayroong mga naging problema at humadlang na siyang nagdulot ng isyu at argumento sa pagitan ng kampo ni Senador Recto sampu ng kanyang mga kasama na pabor sa batas, laban sa Simbahang Katolika at ilang Legislative branch na tumututol sa panukalang batas. Ayon kay Recto ang kanyang paniniwala na ang pagbabasa ng mga nobela ni Rizal ay siyang magpapatibay at magpapaunlad ng pagkamakabayan ng mga kabataang pilipino. Ayon sa kanila ay nararapat lamang na malaman ng sumunod na henerasyon ang kabayanihang ginawa ni Jose Rizal sa pagsulat ng kanyang mga nobela na siyang nakatulong upang mamulat sa realidad ang ating mga kapwa Pilipino. Gayundin ang pagkilala sa iba pang mga bayani. Nagbibigay din umano ito ng mgandang aral na kailangan sa pagharap sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan at mapangalagaan ang kontribusyon ng ating mga bayani.
Sa panahon natin ngayon sa aking palagay ay nararapat lamang na pag-aralan ang buhay at ang mga akdang nagawa ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal sapagkat siya ang dahilan kaya nagising ang natutulog na damdaming Makabayan nating mga Pilipino. Ang pag-aaral sa kanyang mga akda ay hindi naman nangangahulugan na mabatikos ang simbahang katolika dahil lamang sa pagmamalupit na ginawa ng mga sinaunang prayle, bagkus nais niya lamang tayong mamulat sa realidad at maibalik ang dignidad nating mga Pilipino. Akin ring natuklasan batay sa mga lesson sa subject na GEC 2 ang natuklasang Retraction letter ni Rizal. Nakapaloob rito ang kanyang sinabi “Idineklara ko ang aking sarili bilang isang Katoliko at sa Relihiyong ito kung saan ako ipinanganak at nag-aral nais kong mabuhay at mamatay dito” sa kanyang sulat na ito ay naglalaman at nangangahulugan na hindi niya ninais na masira ang imahe ng Simbahang katoliko sapagkat ang kanya lamang hangad ay ang maiparating sa mga Pilipino na kailangan na nating mamulat sa katotohanan at ipagtanggol ang ating Karapatan. Bilang isang kabataang mag-aaral ay nais ko pang matuto at malaman kung ano nga ba ang mga bagay at aral na nararapat naming matutunan sa buhay ng ating bayani at bilang isang mamamayang Pilipino.
100

Supporter Voices
Petition created on October 21, 2024