Droga ay iwasan, Kabataan ay pangalagaan upang kinabukasan ay maingatan

0 have signed. Let’s get to 200!


     Sa ating bansa maraming kabataan ang may mga pangarap sa kanilang buhay, pero ng dahil sa pinagbabawal na gamot ang mga pangarap ng kabataan na gusto nilang makamit ay naglaho at nagdudulot pa ng iba't ibang problema sa mga kabataan. Maraming dahilan kung bakit nalululong ang mga kabataan sa masasamang bisyo. At ang pangunahing dahilan nito ay kahirapan. Ang petisyon na ito ay idinudulog ko sa kapwa ko kabataan.

       Ang pinagbabawal na gamot ay nakasasama sa mga kabataan, dahil panganib ang dulot nito. Ang paggamit ng droga ng mga kabataan ay maaaring magdulot ng iba't ibang problema tulad ng problema sa eskwela, problema sa pera, problema sa kalusugan, pagkabaliw, pagkasira ng isipan at pagkamatay. Dahil sa paglaganap ng droga sa ating bansa maraming kabataan ang mga masasangkot sa mga krimen at mga inosenteng nadadamay at namamatay ng dahil sa bawal na gamot. Isa sa mga dahilan kung bakit ginawa namin ang petisyon na ito ay para wakasan ang paghihirap ng kabataan sa ating bansa at ang masasamang dulot nito. Hinihikayat ko ang mga kapwa ko kabataan na huwag gumamit ng pinagbabawal na gamot sapagkat sa bisyo na ito ay walang magandang maidudulot sa ating buhay.

      Kabataan, huwag tayong magpapadala sa tukso dahil walang magandang maidudulot sa atin. Ipakita natin sa ating bansa tayo nagsisilbing “Ang Kabataan ang Pag-asa ng ating bayan”.

Maraming Salamat Po!



Today: Armando is counting on you

Armando Sison needs your help with “Kabataan: No to Drugs”. Join Armando and 110 supporters today.