Junk The Jeepney Phaseout in The Philippines
The Issue
Kami, mga komyuter ay tumitindig kasama ang mga tsuper, operator at manggagawang pang-transportasyon upang ibasura ang pahirap at mapanlinlang na PUV modernization program o jeepney phaseout na magdudulot ng pagkawala ng libo-libong ng kabuhayan at papalalain ang krisis sa transportasyon sa bansa.
Tinatayang hindi bababa sa 200,000 na transport workers at 28.5 milyon na komyuter ang maapektuhan sa panahon na maipatupad ang jeepney phaseout. Malaki ang epekto nito hindi lang sa karapatan sa disente at ligtas na trabaho kundi pati ang karapatan natin sa maka-masang pampublikong transportasyon.
Ang PUV Modernization Program at ang franchise consolidation ay hindi magbibigay ng pangako ng pag-unlad at iisang pamamaraan lamang tungo sa buong buong pag-kontrol ng mga korporasyon sa pampublikong transportasyon.
Ipinaglalaban at isinusulong namin ang isang makabayan at makamasang pampublikong transportasyon na nagtataguyod ng pambansang industriyalisasyon upang makamit ang pangangailangan sa isang maaasahan, ligtas, sustenable, at abot-kayang pampublikong transportasyon.
Ang panawagan namin para kay Bongbong Marcos na ibasura ang April 30, 2024 franchise consolidation deadline at tuluyan nang ibasura ang PUV Modernization Program.
Lalaban kami kasama ng ating mga manggagawang pang-transportasyon hanggang sa matugunan ang kanilang mga kahilingan para sa makatarungang kabuhayan at karapatan sa disente at ligtas na trabaho.
Ang laban ng mga hari ng daan, ay laban ng mamamayan!

5,772

Petition Updates
Share this petition
Petition created on April 9, 2024