Jollibee: Tigilan ang pagpapahirap sa mga mga manok para pagkakitaan

The Issue
Jollibee Foods Corporation, ang namumunong kumpanya ng Jollibee, Smashburger, Coffee Bean & Tea Leaf, Red Ribbon, Greenwich, Chowking, at Mang Inasal ay responsable sa mas madalasmalupit at makalumang pagkulong sa milyun-milyong manok sa masisikip at maruruming kulungan.
Pinagsisiksikan sa maliliit na kulungan ang mga may sakit at sugatang manok, kung saan limitado ang kanilang paggalaw at walang sapat na espasyo upang iunat ang mga pakpak. Kadalasan, naiipit ang bahagi ng kanilang katawan sa kulungan na nagiging sanhi ng pagkabali ng mga buto, pinsala sa katawan, at malubhang pagkalagas ng balahibo. Habang ang iba pang inahing manok ay hapo, hindi makagalaw, at naapakan ng ibang manok na madalas ay nagiging sanhi ng pagkamatay.
Ang mga kulungan na ito ay hindi lamang malupit sa mga hayop, ngunit maaari rin itong magdulot ng malubhang panganib sa kaligtasan ng pagkain sa mga mamimili. Sapilitang nabubuhay at nangingitlog ang mga manok sa mga kulungang puno ng dumi at nabubulok na katawan ng kapwa nila manok. Ang kontaminasyon ng Salmonella ay hanggang 25x na mas laganap sa mga itlog mula sa manok na nakakulong.
Ang mga malalaking kumpanya sa buong mundo ay tumatanggi na sa mga kulungan at itlog na mula sa mga manok na nakakulong. Higit 130 na kumpanya sa buong mundo ang nangakong gagamit na sila ng itlog mula sa cage-free at ang ilang sa mga kumpanyang ito ay ang Toridoll, Minor Foods, Yum! Brands, INspire Brands, RBI, Burger King, Tim Hortons, Unilever, Nestle, Aldi, Sodexo, Compass Group, Shake Shack, Famous Brands, Costa Coffee, at Barilla. Kahit na ang mga maliliit na kainan at mga gumagawa ng pagkain ng alagang hayop ay mas pinipili na ang itlog mula sa cage-free upang makatulong na mapaganda ang kalagayan ng mga manok.
Ayon sa Jollibee Foods Corporation, kinikilala nila ang “kanilang tungkulin at oportunidad na makatulong sa kapaligiran at industriya ng pagkain” ngunit ang kunidsyon kung saan nangmumula ang itlog na ginagamit nila ay malupit at kakila-kilabot. Nawawalan na ng tiwala ang mga suki ng Jollibee, Smashburger, Coffee Bean & Tea Leaf, Red Ribbon, Greenwich, Chowking, at Mang Inasal sa buong mundo dahil sa patuloy na paggamit ng itlog mula sa mga manok na biktima ng pagmamalupit. Pirmahan ang petisyong ito upang hikayatin ang Jollibee Foods Corporation na gumamit ng itlog mula sa cage-free.

Petition Closed
Share this petition
Share this petition
Petition created on April 26, 2023