Itigil ang Pag Kumpiska ng Mga Pasaporte! Protektahan ang mga dayuhang empleyado sa Japan

署名活動の主旨
Español Bahasa 日本語 English Deutsche
Ang NPO POSSE Foreign Labor Support Center ay tumatalakay sa mga problema sa paggawa at pamumuhay ng mga dayuhang manggagawa. Pangunahin, ang mga mag-aaral sa high school at mag-aaral sa unibersidad na nagtatrabaho sa NPO, pag papaabot at pag papalaganap ng impormasyon tungkol sa mga isyu upang mapabuti ang kapaligiran sa trabaho para sa mga dayuhang manggagawa.
Sa oras na ito, nais naming magkaroon ng inyong suporta para sa pagbabawal na kunin ng mga kumpanya ang pasaporte o mga personal na mga dokumento ng mga manggagawang empleyado mula sa mga dayuhan.
Sa katunayan, ang ilang mga kumpanyang Hapon ay pinagkaitan ang mga dayuhang manggagawa ng kanilang mga pasaporte upang maaari silang pilitin ng mga kumpanya na magtrabaho nang hindi makatarungan, at hindi iyon ipinagbabawal sa Japan. Nakatanggap kami ng anim na mga kahilingan para sa konsulta tungkol sa "PAGKUHA NG PASAPORTE” mula sa mga dayuhang manggagawa, kaya kinakailangan ng batas upang maprotektahan ang kanilang mga karapatan.
· Ang kaso ni Brenda na galing sa Pilipinas
Si Brenda (pseudonym) ay isang babaeng Pilipino na tatlong taon nang nasa Japan. Nagsimula siyang magtrabaho para sa "Advanceconsul Immigration Lawyer Office" na matatagpuan sa Yokohama bilang isang interpreter / isang tagasalin noong Mayo 2019. Binigay niya ang kanyang pasaporte, sertipiko ng graduation at transcript sa kumpanya nang magtrabaho siya rito dahil ang mga orihinal na dokumento na ito ay kinakailangan upang mabago ang katayuan ng kanyang visa. Ipinagpalagay niya na ibabalik ang kanyang pasaporte kapag natapos na ang pamamaraan.
Gayunpaman, ang mga dokumentong ito ay hindi naibalik sa kanya kahit na na-update ang kanyang visa. Samakatuwid, hiniling niya sa kumpanya na ibalik ang mga ito sa kanya ngunit tinanggihan nila ang kanyang kahilingan at sinabi na ang kanyang pasaporte ay itatago ng kumpanya. Iyon ay dahil alam nila na hindi siya makakalayo sa kumpanya nang wala ang kanyang pasaporte.
Sa katunayan, ang kumpanya ay mayroong isang "kontrata sa pamamahala ng pasaporte" sa kanya nang magtrabaho siya sa kumpanya. Hindi niya lubos na naintindihan ang nilalaman ng kontrata dahil hindi niya mabasa ang mahirap na Hapones. Nakasaad sa kontrata na "lahat ng mga pamamaraan sa pamamahala ng pasaporte ay napagpasyahan ng kumpanya" at "ang mga pasaporte ay pinamamahalaan ng kumpanya kahit na pagkatapos ng pagretiro." Hindi alam ni Brenda ang tungkol sa pahayag na ito hanggang sa maipaliwanag ito sa kanya ng kawani ng POSSE ( volunteer staff).
Kaya siya ay nababahala at pagkatapos ay nagpadala siya ng isang mensahe sa NPO POSSE sa pamamagitan ng Facebook na nagsasabing "HELP ME", na humantong sa konsulta. Matapos nito, sumali si Brenda sa The Labor Union (General Support Union) kung saan nakikipagtulungan ang POSSE sa paulit-ulit na pakiusap para sa sama-samang pakikipag-ayos sa kumpanya, ngunit tumanggi ang kumpanya sa nasabing usaping ito, patuloy pa ring tumanggi na ibalik ang pasaporte.
Samakatuwid, sa suporta ng POSSE, noong Enero 16, 2020, si Brenda ay nagsampa ng isang demanda sa sibil sa Yokohama District Court laban kay G. Komine, ang kinatawan ng Advanced Consulting, na humihiling ng pagbabalik ng kanyang pasaporte at pagbabayad ng danyos.
(Ang mga kard ng pagkakakilanlan tulad ng mga pasaporte at sertipiko ng pagtatapos, na sa wakas ay naibalik kay Brenda sa petsa ng Agosto 25, sa taong ito. Gayunpaman, hindi inamin ng kumpanya ang sarili nitong mga pagkakamali, kabayaran atbp. Nagpapatuloy ang paglilitis para sa pagbabayad ng danyos)
Ang "sapilitang trabaho" ay posible sa pamamagitan ng pagkumpiska sa mga pasaporte sa dayuhang manggagawa
Kung ang isang dayuhang manggagawa sa Japan ay kinumpiska ang kanyang pasaporte o mga personal na mga dokumento, hindi na sila makakabalik sa kanilang sariling bansa, at mahirap ng magtrabaho sa ibang kumpanya. Nakatanggap ang POSSE ng anim na ganoong mga konsulta mula sa Technical Intern Trainees sa ngayon, ngunit ito ay itinuturing na pasimula pa lamang at marami pang kaso na lilitaw sa kalaunan.
Bakit "kinukuha" ng mga kumpanya ang mga pasaporte ng mga dayuhan? Ito ay upang maiwasan ang pagtakas ng mga dayuhang manggagawa kahit sa isang mahirap na kapaligiran ng trabaho. Ang mga kumpanya na nais na magtrabaho sila ng mahabang oras sa mababang sahod ay bahagi ng kanilang diskarte sa pamamahala sa paggawa, na upang mapigilan ang mga ito mula sa pagpapalit ng trabaho sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang mga pasaporte, sa halip na subukang manirahan sa lugar ng trabaho sa pamamagitan ng pagtaas ng sahod.
Sa buong mundo, pinaniniwalaan na ang mga kumpanya ay maaaring pilitin ang mga empleyado na magtrabaho sa pamamagitan ng pagkuha sa mga pasaporte. Samakatuwid, sinabi ng United Nations na "Ito ay magiging labag sa batas para sa sinuman .... upang kumpiskahin, o subukang sirain ang mga dokumento ng pagkakakilanlan, mga dokumento na nagpapahintulot sa pagpasok o pananatili, paninirahan o pagtatatag sa pambansang teritoryo o mga pahintulot sa trabaho. " ("International Convention on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and Members of Their Familes (1990)"). Gayundin, sa Estados Unidos at Brazil, iligal ang pamamahala sa pasaporte ng kumpanya.
Gayunpaman, sa Japan walang mga Batas sa pag-papatupad sa kumpanya ng mga pasaporte ng mga dayuhang manggagawa. (Maliban sa "teknikal na intern trainee".)
Sa buong mundo, ang pagkilos sa pagkuha ng mga pasaporte ng mga kumpanya ay na iugnay sa sapilitang paggawa at kinikilala bilang isang kilos na dapat ipagbawal. Nagsagawa kami ng isang Kampanya laban para sa mga kahalintulad na batas ng Estados Unidos at Brazil sa pamahalaan ng bansang hapon.
HANGAD PO NAMIN ANG INYONG MALAWAKAN SUPORTA!
MARAMING SALAMAT PO !
NPO Posse Foreign Labor Support Center

このオンライン署名は終了しました
このオンライン署名をシェア
意思決定者
オンライン署名に関するお知らせ
このオンライン署名をシェアする
2020年11月11日に作成されたオンライン署名