IBASURA ANG LABIS-LABIS AT 'DI MAKATARUNGANG BAYARIN AT WAKASAN ANG PRIBATISASYON SA NAIA

The Issue
Kami, ang mga nakapirma sa petisyong ito, ay mahigpit na ipinapanawagan ang pagbabasura ng hindi makatarungang pagtaas ng mga bayarin at pagwawakas ng pribatisasyon ng NAIA sa ilalim ng public-private partnership na iginawad sa New NAIA Infra Corp. (NNIC), isang consortium na kinabibilangan ng San Miguel Holdings Corp. (na pagmamay-ari ni Ramon Ang), RMM Asian Logistics Inc., RLW Aviation Development Inc., at Incheon International Airport Corp.
Sa halip na kaginhawaan at pag-unlad, ang naging epekto ng kasunduang ito ay mas mataas na bayarin para sa mga migrante, komyuter, at mga maliliit na negosyanteng may puwesto o operasyon sa paliparan. Samantala, wala pang malinaw na pagbabago o ginhawa sa serbisyo.
Ang aming kahilingan:
- Ibasura ang mga sobra at hindi makatarungan na bayarin sa NAIA at tiyakin ang patas, abot-kaya, at makataong bayarin para sa lahat ng mamamayan. Kabilang dito ang mga sumusunod na pagtataas ng bayarin:
- Passenger Service Charges (mula P200 naging P390 sa domestic, P550 naging P950 sa international)
- Terminal Enhancement Fees on top of fares (Para sa domestic - P150 hanggang P190; international - P275 hanggang P300)
- Ang San Miguel-led NNIC ay may kalayaan na itaas ang mga "non-regulated fees" anumang oras nang walang kinakailangang paliwanag. Kabilang sa mga non-regulated fees ang mga rate ng renta para sa mga concessionaire, vehicle parking, ramp bus service fees, etc.
Ang rental rates ay aakyat mula P700/sqm hanggang P3200/sqm.
Habang ang overnight parking rates ay tataas ng mula P300 hanggang P1,200
- Ibasura ang NAIA PPP Concession Agreement lalo’t dahil ito ay minadali, kulang sa transparency, hindi nagkaroon ng maayos na proseso ng konsultasyon, at makaisang-panig na pinaboran ang SMC at si Ramon Ang. Ang concession agreement din ay naging daan para sa labis na bayarin sa mga migrante at komyuter at naglagay ng pampublikong transportasyon sa monopolyong kontrol ng malaking negosyo.
- Ganap na ibalik sa kontrol ng pamahalaan at taumbayan ang NAIA at itigil ang anumang uri ng pribatisasyon sa pampublikong transportasyon.
- Itigil ang Pribatisasyon ng Lahat ng Pampublikong Serbisyo upang masiguro ang ligtas, mahusay, at abot-kayang serbisyo para sa lahat.
Kami, ang nagkakaisang mamamayan, ay nananawagan ng agarang aksyon upang mapatigil ang pagtataas ng mga bayarin at wakasan ang pribatisasyon ng NAIA!
ITIGIL ANG NAIA FEES HIKE
IBASURA ANG NAIA PPP CONCESSION AGREEMENT
Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo!
SAHOD ITAAS! PRESYO IBABA!
--
References:
Ibon Foundation. NAIA PPP project: Sky-high profits for Ramon Ang. https://www.ibon.org/naia-ppp-smc-ang/
Ibon Foundation. Ang’s SMC to rake in billions from nearly doubled traveler fees. https://www.ibon.org/angs-smc-to-rake-in-billions-from-nearly-doubled-traveler-fees/
Ibon Foundation. High time to end privatization behind high fees – SUKI. https://www.ibon.org/high-time-to-end-privatization-behind-high-fees-suki/
SUKI Network. NAIA Contract Bad for Consumers. https://www.facebook.com/share/17B1iJjr8s/
SUKI Network. Airport Privatization: A Burden on Travelers, A Boon for Oligarchs. https://www.facebook.com/share/16cRk8VYpg/
SUKI Network. Government should suspend not only airport fee hikes but entire NAIA privatization. https://www.facebook.com/share/p/1As2HieMay/
PARA Commuters’ Network. Abot-langit na pamasahe at bayarin ang hatid ng pribatisasyon ng NAIA. https://www.facebook.com/share/p/19k8aQnxhC/
1

The Decision Makers
Petition Updates
Share this petition
Petition created on August 28, 2025