IBASURA ANG INJUNCTION, IPATUPAD ANG WAGE ORDER 27, ISABATAS ANG ₱200 DAGDAG-SAHOD NGAYON

668

Let’s get to 1000 signatures!
Petitions with 1,000+ supporters are 5x more likely to win!

The Issue

Kami, mga manggagawa at ordinaryong Pilipino, ay nananawagan sa Pasig RTC Branch 152 at sa Korte Suprema na agad na ipawalang-bisa ang injunction na humaharang sa implementasyon ng Wage Order No. 27 — ang dagdag-sahod na dapat nang natatanggap ng mga manggagawa sa NCR simula pa noong Hulyo.

Sa pangunguna ng National Wage Coalition (BMP, KMU, NAGKAISA!, TUCP), naninindigan kami: hindi trabaho ng korte ang magtakda o pumigil sa sahod — trabaho nilang protektahan ito. Malinaw sa batas (Labor Code Article 126) na bawal habulin ng injunction ang proseso ng regional wage boards, at ang tanging remedyo laban sa isang wage order ay apela sa National Wages and Productivity Commission (Article 123) — hindi kaso sa regular na korte.

KAYA’T SA MGA KORTE: IBASURA ANG TRO AT INJUNCTION! IGALANG ANG MANDATO NG REGIONAL WAGE BOARDS!

DAHIL SA PAMBABARA NG KORTE, NANANAWAGAN KAMI SA KONGRESO AT SENADO: ISABATAS ANG ₱200 DAGDAG-SAHOD PARA SA BUONG BANSA!

Napatunayan ng insidenteng ito na hindi ligtas ang sahod ng manggagawa kung nakadepende lang sa regional wage boards na madaling harangin ng injunction. Kailangan na ng batas na direktang nagtatakda ng ₱200 dagdag-sahod, protektado laban sa arbitrary na interbensyon ng korte.

AT SA PANGULO: I-CERTIFY AS URGENT ANG ₱200 DAGDAG-SAHOD!

Gamitin ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang kapangyarihan para patunayan na prayoridad ng kanyang administrasyon ang kapakanan ng manggagawa — hindi puro salita.

PIRMAHAN NA ANG PETISYON: IBASURA ANG INJUNCTION, IPATUPAD ANG WAGE ORDER 27, ISABATAS ANG ₱200 DAGDAG-SAHOD NGAYON NA!

Petition Updates

Share this petition

Petition created on August 27, 2026