Sapat na pamasahe, sa tamang biyahe

Sapat na pamasahe, sa tamang biyahe
The Issue
Sa buong Pilipinas, ang siyudad ng Cabanatuan ang tinaguriang “Tricycle Capital of the Philippines”. Kilala sa pagkakaroon ng mahigit na 30,000 tricycles as of September 2009 (Cabanatuan-city.webs.com/). Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa, ang 'three-wheeled vehicle' na ito ay ginagamit bilang isang pangunahing uri ng transportasyon dahil ang mga bus at jeepney ay nasa labas ng lungsod. Ito ang pangunahing transportasyon ng mga Cabanatueños 24/7.
Ngunit sa kabila nito, maraming Cabanatueños ang nagrereklamo tungkol sa hindi sapat na pag singil ng pamasahe ng mga tricycle driver.
"Pate, sakay? Saan ba?"
"Magkano ba bayad mo dun?"
"Ilan kayo? Ang dami niyo tig bente nalang kayo."
"Ay, wag nalang. Malayo saka isa ka lang."
Bilang isang ordinaryong mamamayan at commuter, hindi sapat ang dahilan na kaya nila itinataas ang presyo ng pamasahe ay sa kadahilanang para maabot ang kanilang boundary o marahil sa biglaang pagtaas ng gasolina. Ang iba sa mga tricycle driver ay mapili sa mga pasahero, kesyo daw malayo, lugi sa gasolina, malayo ang lugar, at mababa raw masyado ang inaalok na bayad. Meron ding iba na dahil lang sa ulan, sa traffic at dahil gabi na ay biglang tataas ang sisingilin na pamasahe sa pasahero.
Karamihan sa mga nagrereklamong mga pasahero ay ang mga estudyante. Araw-araw ay nakararanas sila ng mga tricycle na driver na hindi sumusunod sa 'fare' o tamang pamasahe ng siyudad. Base sa mga survey at pag-aaral, karamihan sa mga tricycle driver ay hindi sumusunod sa legal fare rate ng biyahe at ang Cabanatuan City ay isa sa mga pinakamataas maningil in terms of the fare rate per kilometer. (https://www.dobolp.com/hinaing-sa-mataas-na-pamasahe-sa-tricycle-sa-cabanatuan-tinalakay-sa-public-hearing/amp/)
Unang una, dapat natin isaalang alang ang presyo na ating sisingilin depende sa pasahero. Tulad sa jeep o di kaya ay sa bus, may natatanggap na pribilehiyo ang mga estudyante o kaunting bawas sa sinisingil na presyo. Pangalawa, marahil dati ay nagtakda ang gobyerno ng panukalang mahigpit ng ipatutupad ang pagpapaskil ng taripa sa mga tricycle upang malaman ng mga sakay ang tamang pasahe na dapat nilang bayaran na nakasaad sa Section 1 ng Ordinance No. 2001-029 or “An ordinance regulating tricycle fare in the City of Cabanatuan.” Dapat itong pagtuunan ng pansin dahil ang sinumang mahuhuling driver ay pagmumultahin ng P1,000 sa unang paglabag, P2,000 sa ikalawang paglabag at P3,000 at kanselasyon ng legalization sa pangatlong paglabag. (file:///home/chronos/u-f683de13e62dd6806add6ff013c89796b8116e4a/Downloads/Cabanatuan%20City-3270.pdf)
Nararapat na matamasa natin ang karapatan sa tamang pagsingil ng tricycle drivers. Ang sapat na pamasahe sa tamang biyahe.
Ikaw naranasan mo na ba ang hindi patas na paniningil? Hanggang saan ka magtitiis?
COMMUTERS FARE CHARGE LIST - ang tamang pamasahe na dapat sundin ng bawat tricycle operator. (https://www.dobolp.com/hinaing-sa-mataas-na-pamasahe-sa-tricycle-sa-cabanatuan-tinalakay-sa-public-hearing/amp/)
Types of Commuters and Charge per kilometer
- Students - 8 pesos per kilometer
- Regular - 10 pesos per kilometer
- MPW - 7 pesos per kilometer
Ang petition na ito ay nagpapakita ng hindi patas na paniningil ng mga tricycle driver dito sa Cabanatuan City, at mayroong layunin na mapigilan ang hindi patas na paniningil at makamtan ang sapat na pamasahe sa tamang biyahe.
Gusto mo bang masolusiyonan ang isyu na ito? Maaaring mag-'sign in' at suportahan ang nasabing petition.

Petition Closed
Share this petition
The Decision Makers
Petition created on August 30, 2018