Hikayatin ang KWF na ilabas ang "Kalatas: Mga Kuwentong Bayan at Kuwentong Buhay"

139

Let’s get to 200 signatures!
Petitions with 1,000+ supporters are 5x more likely to win!

The Issue

Ako si Rommel B. Rodriguez, ang awtor ng "Kalatas: Mga Kuwentong Bayan at Kuwentong Buhay,” isang akdang nakaugat na karanasan ng mga Pilipino at nagtatampok ng mga kontemporaryong kuwentong bayan at kuwentong buhay ng karaniwang Pilipino.  Ang aklat na ito ay hindi lamang simpleng koleksyon ng mga salita. Ito ay hinabi at  pinagsama-samang mga halagahin na nakaugat sa kultura at pang- araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Sa nakalipas na apat na taon, ang manuskritong ito ay hindi inilabas sa publiko ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). Ito ay binansagang subersibo at nagsusulong ng  terorismo. Ang pagpigil sa paglabas ng aking aklat ay hindi lamang pag-atake sa akademikong kalayaan kundi maging sa malayang pagpapahayag at malikhaing ekspresyon. Ipinagkait din ng KWF ang libro sa mga mambabasa, lalo na sa ating mga kabataan, mga guro, at mga mahilig sa kuwentong Pilipino. Isinulat ko ang  "Kalatas"  upang hikayatin ang mga mambabasa sa halaga ng kuwento bilang lunsaran ng katotohanan sa isang lipunang mapagkunwari.

Sa nakaraang budget hearing sa Kongreso ng KWF (Setyembre 18, 2026), binanggit ng KWF na wala sa kanila ang manuskrito. Ito ay pawang kasinungalingan. Nasa kanila pa rin ang printed na kopya ng aklat. Ang pagbanggit nila na ito ay binawi ko ay nasa konteksto na hindi ko  batid na ito ay nalathala na at may ISBN. Katunayan, mas nauna ang resolusyon noon ng Kongreso na ipawalang-bisa ang memo ng KWF na nagbabawal sa paglabas  ang 5 libro, subalit hindi nila ito sinunod.

Bagaman positibo ang pagbukas ng KWF na kausapin ako upang matapos na ang usapin, mahirap muling magtiwala sa isang institusyon na nag-abuso sa karapatan ko bilang manunulat. Nabanggit din sa hearing na wala daw akong karapatan na ilathala ang libro na “sole authorship” sakaling mabawi ko ang manuskrito at ilapit ito sa ibang pablisyer.

Nanawagan ako sa inyo, mga kapwa ko manunulat, guro, mananaliksik, mag-aaral at mambabasang Pilipino na samahan akong hilingin sa pamunuan ng KWF na ilabas ang "Kalatas: Mga Kuwentong Buhay at Kuwentong Bayan." Ang panawagang ito ay hindi lamang tungkol sa paglalabas ng isang aklat.  Ito ay tungkol sa pagbawi sa ating mga kuwento at pagtataguyod ng kaalamang kultural.  Kapag pinalampas natin ang pagbabawal, maaari nila itong ulit-ulitin! Sa paglagda sa petisyong ito, makatutulong tayong  isulong ang karapatan ng manunulat na Pilipino na lumikha. 

Paalalahanan natin ang KWF sa kanilang mandato na itaguyod at palaganapin ang ating pambansang wika, panitikan, at kultura.

 

avatar of the starter
Rommel RodriguezPetition StarterWriter and Human Rights advocate

Petition Updates