Petition updateInvestigate the daily 6-12 hour brownouts in Occidental Mindoro #WantedIlawGABRIELA PARTYLIST FILES RESOLUTION NO. 2551 CALLING FOR AN INVESTIGATION OF OKSI POWER CRISIS
100% Brownout-Free Occidental Mindoro
Aug 19, 2015
Ikinasa na nila Cong. Luzviminda Ilagan at Cong. Emmi de Jesus ng Gabriela Partylist ang resolusyon upang hilingin sa mga mambabatas na imbestigahan ang kakaulangan ng suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro. Matatandaang noong Marso 2015, sa pag-asang matugunan ang ating kalbaryo, naglunsad ang 100% Brownout-Free Occidental Mindoro, ng social media campaign na ‪#‎wantedilaw‬, na ang layunin ay ipakita at iparinig sa kinaukulan ang ating hinaing sa matagal nating pagtitiis sa mga brownout na umaabot ng 6-12 hours. Wala pong political backing, wala pong funding - tila suntok sa buwan na aabot ang ating online petition sa mga kinauukulan. Pero sa tulong ng online petition na www.change.org/wantedilaw, naabot ang hangad nating limang libong pirma sa pag-asang makarating ang kanilang panagawan sa Administration sa pamamagitan ng Kagawaran ng Enerhiya at NPC. Malaki rin ang ating pasasalamat sa media na patuloy na nagmomonitor kasama natin. Ang kopya ng petisyon na ito na isinumite ng 100% BFOM sa Gabriela Partylist noong 2 Mayo 2015 ang siyang naging basehan ng House Resolution No. 2251 na na pinamagatang “A Resolution Urging the House Committee on Energy to Conduct an Immediate Inquiry in Aid of Legislation, on the Electric Power Situation in Occidental Mindoro in Order to Draw Up Appropriate Policy Recommendations for a Prompt Solution to the Regime of Blackouts that is Gravely Affecting the People, Business and Industries in the Province." Maraming salamat Gabriela Party-List! Maraming salamat din po sa 5,221 petitioners - laban natin ito para sa ikabubuti ng ating minamahal na probinsya! Please pass and share the good news!
Copy link
WhatsApp
Facebook
Nextdoor
Email
X