Petition updateInvestigate the daily 6-12 hour brownouts in Occidental Mindoro #WantedIlawBREAKING NEWS: Occidental Mindoro Governor reveals that influential politician controls electricity; blocks new power suppliers from entering province
100% Brownout-Free Occidental Mindoro
May 22, 2015
Occidental Mindoro Governor Mario Gene Mendiola finally, FINALLY!, confirms on national television that there is a power shortage in Occidental Mindoro! He reveals that the supply of electricity is controlled by an influential politician. This is allegedly one of the reasons why other power suppliers cannot enter the province. Remember, Occidental Mindoro currently has only ONE independent power producer - the power plant has not produced a single watt of electricity FOR 8 YEARS!!! IS THIS "TUWID NA DAAN"? How can an "influential politician" be so powerful as to block IPPs from entering our power-strapped province? Our Governor has spoken, the people are angry, the power crisis is at its peak! Please, Secretary Petilla, conduct the formal, all-out investigation in our province NOW!!! You did this for Visayas and Mindanao - it is time to leave your legacy in Occidental Mindoro! 453,000 residents are counting on you!!! x x x Kulang ang supply ng koryente sa Occidental Mindoro by Mario Alcala, Hataw Tabloid KINOMPIRMA ni Occidental, Mindoro Governor Mario “Gene” Mendiola na kulang sa supply ng koryente ang kanilang lalawigan kaya ma-dalas silang biktima ng brownout o blackout. Ang koryente umano sa kanilang lalawigan ay kontrolado ng isang individual na supplier na matagal nang hawak ng isang maimpluwensi-yang politiko sa Occidental, Mindoro. Isa umano iyan sa dahilan kaya hindi makapasok sa Occidental, Mindoro ang ilang supplier na nais mag-supply ng koryente sa kanilang probinsiya. Si Gov. Mendiola ay nakapanayam ni Noli de Castro kahapon ng umaga sa kanyang re-gular na programa sa KABAYAN sa DZMM-Te-leradyo na sinagot ng gobernador ang ilang katanungan tungkol sa shortage ng koryente sa kanyang nasasakupang lalawigan. Ang Occidental, Mindoro ay katapat ng Batangas City. Dagat ang pagitan ng dalawang probinsiya. Sasakay muna ng barko o RORO bago makarating sa Mindoro na ang biyahe sa laot ay tumatagal nang dalawang oras. Ang Occidental, Mindoro ay mayaman sa iba’t ibang natural resources. Mayaman sila sa agrikultura. Nasa kanila ang ilang malalaking minahan ng ginto. Tulad ng lalawigan ng Oriental Mindoro, maaaring kulang lang sila sa suporta ng national government. Koryente ang nagpapaandar sa ekonomiya ng isang bansa. Kung walang koryente, bagsak ang ano mang uri ng negosyo. Marami ang mawawalan ng trabaho at magugutom. Dapat ipaglaban ng mga mamamayan sa Occidental, Mindoro ang kanilang karapatan na magkaroon nang maayos o sapat na supply ng koryente sa kanilang pamayanan. Malapit na naman ang 2016 national elections. Huwag na kayong magpabola sa mga politikong bolero at nangangako. READ MORE HERE: http://www.hatawtabloid.com/2015/05/21/kulang-ang-supply-ng-koryente-sa-occidental-mindoro/
Copy link
WhatsApp
Facebook
Nextdoor
Email
X