Jul 22, 2015
RAYMOND BURGOS EDITORIAL & OPINION EDITORIAL: Huwag maging kampante FOR THE RECORD: Mga kandidato dapat komprontahin OUT OF ORDER: Bakit bumaligtad ang NHCP sa isyu ng Torre de Manila? Ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na may direktang kinalaman sa mga usapin hinggil sa mga monumento at mga cultural and historical landmarks sa ating bansa. Sa ilalim ng Republic Act 10066 na kilala sa tawag na “National Cultural Heritage Act of 2009,” binibigyan ng kapangyarihan ang NHCP na mag-isyu ng “Cease and Desist Order” kapag nanganganib na masira o mabago ang orihinal na estado ng pisikal na integridad ng national cultural treasures o importanteng cultural properties ng Pilipinas. Itinatadhana rin ng R.A. 10066 na ang “appearance of streets, parks, monuments, buildings…within a locality shall be maintained as close to their appearance at the time the area was of most importance to Philippine history as determined by the National Histo­rical Institute.” Ang NHI ang dating tawag sa NHCP. Maliwanag sa ating batas ang mandato ng NHCP kung kaya nang aprubahan ng Manila City Council ang Resolution No. 121 na nagpapatigil sa kons­truksyon ng Torre de Manila ay umasa ang konseho sa suporta ng NHCP lalu pa’t masisira ng naturang 46-story residential building ang vista o line of sight kapag nakatingin ka sa rebulto ni Jose Rizal. Nang dumalo ang mga kinatawan ng NHCP sa hearing ng Manila City Council noong Hunyo 22, 2012, iprinisinta nina Wilkie Delumen and Crisanto Lustre ang NHCP guidelines sa mga monumento ng mga pambansang bayani at malinaw na nilabag ito ng DMCI nang itayo nila ang Torre de Manila. Ito ang sinasabi sa NHCP guidelines: “Monuments should be given due prominence since they symbolize national significance…the Rizal National Monument in Luneta and the Bonifacio National Monument are established as objects of reference. The monument should preferably be the focal point of a city or town center.” Pero anim na buwan matapos dumalo sa hearing ang dalawang kinatawan ng NHCP sa Manila City Council hearing, nagbago ang ihip ng hangin sa pamunuan ng komisyon at mismong ang chairman nitong si Maria Serena Diokno ang nagsabing walang nilabag na batas ang DMCI at ang Torre de Manila. “Your project site is outside the boundaries of the Rizal Park and well to the rear of the Rizal National Monument, hence it cannot possibly obstruct the front view of the said National Monument,” ayon sa liham ni Chairman Diokno na may petsang Nobyembre 6, 2012 na naka-adress kay DMCI consultant Alfredo Andrade. Hindi na nagpaunlak ng klaripikasyon si Chairman Diokno hinggil sa pagbaligtad ng NHCP sa isyu ng Torre de Manila at maging ang executive director ng komisyon na si Ludovico Badoy ay tumatanggi rin sa mga panayam at sa halip ay ang sulat ni Diokno ang kanyang ginagawang reference. Dapat magpaliwanag ang NHCP kung bakit isinantabi nito ang sarili nitong guidelines na iprinisinta sa Manila City Council at sa halip ay pinaboran ang DMCI sa isyu ng “Torre de Manila.” Ano nga kaya ang dahilan kung bakit nagpalit ng posisyon ang mga pinuno ng nasabing komisyon? Ano sa palagay ninyo? http://www.abante-tonite.com/issue/july0715/edit_order.htm
Copy link
WhatsApp
Facebook
Nextdoor
Email
X