Parusang Kamatayan

The Issue

Kamakailan lang, umugong na naman ang usapin tungkol sa parusang kamatayan, pagkatapos sumambulat sa balita ang ilang karumal-dumal na krimen.Ang parusang bitay ay kailanman hindi nagsilbi sa kapakanan ng hustisya; bagkus, ito’y ginamit upang kitlin ang mga kalayaan at karapatan ng mamamayang Pilipino. Sa kasaysayan, ginagamit ang pagbitay sa mga kriminal at mga kalaban sa politika ng halos lahat ng mga lipunan sa pamamagitan ng prosesong hudisyal o sa adhikaing pampolitika katulad ng pagsupil ng pampolitika na pagtutol.

Nararapat nga bang ipatupad ang nasabing parusa lalo na sa mga karumal-dumal na krimen? Ang idinadahilan ng mga pabor sa pagpapatupad nito ay upang diumano ay magkaroon ng takot ang mga nagbabalak na gumawa ng krimen. Sa pamamagitan daw nito ay magkakaroon ng tahimik at payapang komunidad ang mga tao.

 Ayon sa Republic Act No. 7659, ito'y parusang ipinapataw sa mga gumagawa ng kagimbal-gimbal na krimeng nakahahapis, nakaririmarim, at nakakapoot. Ito'y hindi pananakot kundi pambayad sa mga kasalanan. at upang mapigilan ang pagtaas ng krimen sa ating bansa. Subalit ito ay may mga hindi mabuting epekto. Ika nga ni Chito Gascon, pinuno ng CHR, sa kanyang paniniwala na kung ipapatupad ang parusang kamatayan ay wala na silang pangalawang pagkakataon upang magsimula ulit.

Ang parusang kamatayan ay isa lang sa isyung panlipunan na humahati sa paniniwala ng mga tao. Mabigat ang parusang kamatayan kayat ito ay dapat pag-isipang mabuti. Ang buhay ng isang tao ay mahalaga at biyaya ng Diyos. Gayunpaman nararapat ding irespeto ang paniniwala ng ibang bansa na naniniwala sa pagpapatupad ng nasabing parusa. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon pa rin ng pagkakaisa at ugnayan sa mundo sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga paniniwala.

This petition had 13 supporters

Petition Updates

Share this petition

Petition created on November 13, 2017