PLEASE, PLEASE HELP RESCUE A DOMESTIC HELPER WHO IS HELD "HOSTAGE" BY HER KUWAITI EMPLOYER

0 have signed. Let’s get to 200!


PLEASE, PLEASE HELP RESCUE A PINAY DOMESTIC HELPER WHO HAS BEEN 
HELD "HOSTAGE" BY HER KUWAITI EMPLOYER!

AGAIN, PAGING THE OFW KUWAIT RESCUE TEAM, PHILIPPINE - BASED RECRUITMENT AGENCY FOUR SEASONS INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES AND
ALL CONCERNED OFFICIALS OF ALL AGENCIES OF PHIL. GOVERNMENT.

ATTENTION: DOK CHIE UMANDAP AND THE MANILA TIMES COLUMNIST SUSAN "TOOTS" VASQUEZ OPLE of the BLAS F.  OPLE POLICY CENTER. 

A thief or a kleptomaniac seizes every chance he or she sees it fit.

And he/ she has a pattern and record of opportunities of failed attempts or successful deeds of committing it.

No person, in whatever circumstance, of any nationality or status in life who is in his/ her right mind would even ever keep a company or much more employ such a klepto or thief.

IT IS THESE INSTANCE AND PREMISE THAT WE ARDENTLY CALL THE GOOD LAWYER OF THE LABOR ATTACHE OF POLO - OWWA KUWAIT AND OR ANY CONCERNED AGENCY OF THE PHIL. GOVT. TO MOST KINDLY URGENTLY "RESCUE" AND DEFEND FROM THE WRONG ACCUSSATION OUR FELLOW FILIPINO JONA MAE MALINAO GUABONG WHO IS NOW "DETAINED" AND BEING HELD "HOSTAGE" BY HER OWN KUWAITI EMPLOYER.

FOR THE INFORMATION AND LESSON OF ALL CONCERNED (ALSO, AN ADVANCE WARNING TO ALL OTHER OFWS), SHE IS BEING CHARGED BY HER OWN EMPLOYER OF ALLEGEDLY STEALING THE AMOUNT OF FIVE HUNDRED (500) KUWAIT DINARS.

SHE HAS BEEN BEING WRONGLY ACCUSED BY HER OWN KUWAITI EMPLOYER OF A CRIME OF "QUALIFIED THEFT" WITHOUT ANY EVIDENCE WHICH WAS TAKEN FROM HER, NO INCONTROVERTIBLE WITNESS WHO TESTIFIED AGAINST HER, WITHOUT ANY APPROPRIATE ON TIME OR TIMELY REPORTING TO THE PROPER KUWAITI AUTHORITY WAS EVER MADE AND NO FORMAL COMPLAINT WAS EVEN LODGED ON TIME OR TIMELY AGAINST HER IN A PROPER VENUE PLUS THE FACT THAT THE PHIL. EMBASSY NEITHER HER PHIL. - BASED RECRUITMENT AGENCY AND THE KUWAIT - BASED RECRUITMENT OFFICE WERE ON RECORD OFFICIALLY INFORMED ON TIME OR TIMELY ABOUT THE ALLEGED INCIDENT OF THEFT.

THAT FURTHER, THE PURPORTED CRIME OF ALLEGED STEALING WAS REPORTEDLY COMMIITTED AS OF SEPTEMBER 2017 YET AND IT WAS BROUGHT INTO OPEN ONLY NOW AT A TIME SHE IS ALREADY ABOUT TO FINISH HER TWO (2) - YEAR CONTRACT THIS NOVEMBER 2017.

THAT DUE TO DURESS AND WITHOUT THE PRESENCE OF ANY LEGAL COUNSEL, SHE WAS FORCED BY HER OWN EMPLOYER TO ADMIT IN WRITING THE CRIME OF ALLEGED STEALING WHICH WAS IMPUTED TO HER.

THAT TO BE FORGIVEN BY HER SAID EMPLOYER OF THE SAID ALLEGED OFFENSE, SHE IS ASKED AND MADE TO COUGH UP ONE HUNDRED THOUSAND PESOS (P100,000.00) TO ALLEGEDLY SETTLE OR REPLACE THE ALLEGED AMOUNT SHE WAS WRONGLY ACCUSED OF STEALING.

THAT IN THE EVENT THAT SHE COULD NOT PRODUCE THE MONEY BEING ASKED, SHE IS OBLIGED TO AGAIN SERVE HER OWN EMPLOYER FOR ANOTHER YEAR WITHOUT ANY SALARY UNTIL SHE "COMPLETELY" PAYS OR SETTLES THE AMOUNT SHE WAS UNJUSTLY CHARGED OF STEALING.

IN TOTO, COPIED HEREUNDER IS THE NARRATION OF CARLOS DAPAN GUAPONG, JR. OFW JONA'S HUSBAND WHO CRIES FOR HELP AND DEEPESTLY PRAYS THAT JUSTICE BE METED TO HIS WIFE JONA AND THAT SHE WOULD BE REPATRIATED SOONEST TO MAKE SURE SHE WOULD NOT BE AGAIN HARASSED AND MALIGNED AND SHE WOULD EXPERIENCE NO FURTHER HARM:

"NAME: JONA MAE MALINAO GUABONG
BIRTHDAY: JUNE 30, 1992
GENDER: FEMALE
CIVIL STATUS: MARRIED
PASSPORTNUMBER: EC190142
OFW TYPE: LANDBASED
RFP: 1511050067
0EC: 10847209
LOCAL AGENCY: FOUR SEASONS INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES PRINCIPAL EMPLOYER: MOHD BADER ASAAD OFFICE
POSITION: WORKER HOUSEHOLD SERVICE
JOBSITE: KUWAIT
SALARY: 400.00 US DOLLAR PER MONTH
CONTRACT DURATION: 24 MONTHS
DATE PROCESSED: NOV. 5, 2016."

"MAGANDANG ARAW PO MR. TIRSO PAGLICAWAN!

AKO PO SI CARLOS DAPAN GUABONG, JR., 28 TAONG GULANG, NAKATIRA SA BARANGAY KAPATAGAN, DIGOS CITY, DAVAO DEL SUR. ASAWA KO PO SI JONA MAE MALINAO GUABONG, 25 TAONG GULANG AT MAY ISA KAMING ANAK NA BABAE, SI JANE CARL MALINAO GUABONG, APAT NA TAONG GULANG."

"AKO PO AY HUMIHINGI NG TULONG SA INYO DAHIL SA PROBLEMA NG ASAWA KO SA KUWAIT. PINAGBINTANGAN PO SIYA NA NAGNAKAW NG PERA NG KANYANG AMO. BAGO PA NANGYARI ANG PROBLEMA NAMIN, AKIN PONG ISASALAYSAY SA INYO NOON ANG MGA PANGYAYARI BAGO PO SIYA UMALIS."

"NOONG BUWAN NG SEPTEMBER TAONG 2015, NAGPASYA PO SIYANG MANGIBANG BANSA PARA AMING KINABUKASAN AT UPANG HIGIT NA MABIGYAN NIYA NG MAGANDANG BUKAS ANG KAISAISA NAMING ANAK KAYA AGAD PO SIYANG PUMUNTA SA DAVAO AT NAG - APPLY SA FOUR SEASONS INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES NA MATATAGPUAN SA RENE LIMA BUILDING, JUAN LUNA STREET, DAVAO CITY KUNG SAAN AGAD NAMANG TINULUNGAN SIYA SA PAGPOPROSESO NG KANYANG MGA DOKUMENTO."

"NOONG OCTOBER 08, 2015 NATAPOS NYA LAHAT ANG KANYANG MGA KAKAILANGANING MGA DOKUMENTO AT AGAD SIYANG PINAPUNTA SA MAYNILA UPANG DOON SIYA DUMALO SA SEMINAR BILANG PAGHAHANDA AT PAGSASANAY PARA SA KANYANG TRABAHO SA ABROAD. INIHATID KO PA SIYA SA AHENSYA SA DAVAO. ANG HINDING - HINDI KO MAKAKALIMUTAN NA SINABI NYA SA AKIN BAGO PA KAMI NAGKAHIWALAY NOONG ARAW NA IYON AY ANG MGA SALITANG 'MAHAL NA MAHAL NIYA KAMI AT GINAWA NIYA MAGTRABAHO SA ABROAD PARA MAKATULONG SA AKIN AT SA KANYANG PAMILYA PARA KAHIT PAPAANO AY MAKATULONG DIN SIYA SA KANYANG KAPATID NA NAG AARAL. AT HIHINTAYIN KO SIYA SA LOOB NG DALAWANG (2) TAON AT BABAWI SIYA SA AMIN.' ANG SAGOT KO NAMAN SA KANYA, ANG SABI KO, 'HUWAG MO KAMI INTINDIHIN, MAAYOS KAMI. ANG ISIPIN MO AY ANG SARILI MO AT LAGI KANG MAGDARASAL. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA AT KAHIT PA MASAKIT MAPALAYO KA SA PILING KO, MAGSASAKRISPISYO AKO ALANG - ALANG SA IYO."

"KAHIT NA SA MAYNILA PA LANG SIYA AY PANAY ANG TAWAGAN NAMIN. KINUKUMUSTA KO SIYA PALAGI KUNG MAAYOS LANG BA SIYA. SABI NAMAN NIYA MAAYOS NAMAN DAW SIYA."

"HANGGANG DUMATING ANG ARAW NA PUPUNTA NA SIYA SA BANSANG KUWAIT. NOVEMBER 08, 2015 BUMIYAHE NA SIYA PAPUNTANG KUWAIT AT AKO'Y NAPAIYAK AT NAISIP KO KUNG ANO ANG KAHIHINATNAN NG ASAWA KO ROON. AT TUMAWAG PA SIYA SA AKIN, 'YONG BABY NATIN GANG INGATAN MO HUWAG MO RING PAPABAYAAN PATI SARILI MO."

"HUWAG KANG MAG - ALALA, TATAWAGAN KITA PAGDATING KO ROON GANG I LOVE U GANG MWAHHH."

"NOONG NOVEMBER 10, 2015, TUMAWAG SIYA SA AKIN KINUHA NA RAW SIYA NG KANYANG AMO. ILANG LINGGO LANG PO SIYA ROON AY IBINALIK SIYA NG KANYANG AMO SA KANYANG AHENSYA DAHIL SA NAGKASAKIT SIYA ROON. ANG GUSTO PO NG AMO NIYA AY PAUWIIN NA SIYA RITO SA PILIPINAS DAHIL SA TAKOT NG AMO NIYA NA BAKA MAGING MAS DELIKADO ANG KALAGAYAN O BUHAY NG AKING ASAWANG SI JONA."

"NGUNIT HINDI PUMAYAG ANG AHENSYA NIYA DAHIL SA NAG - IINARTE LANG RAW 'YONG ASAWA KO NA MAY SAKIT SIYA. SA TOTOO LANG PO, ALAM KO NA MASAKITIN 'YONG ASAWA KO TALAGA KAYA PO ALAGANG - ALAGA KO PO SIYA DITO SA AMIN. HALOS PAGKAGALING KO SA TRABAHO KO BILANG ISANG MAGSASAKA, AKO NA RIN MISMO ANG GUMAGAWA O GUMAGANAP NG MGA GAWAIN SA KUSINA PARA SA PAGKAIN NAMIN."

"DAHIL SA AWA NIYA NAMAN SA AKIN, NAGPASYA SIYANG MAGTRABAHO SA KUWAIT."

"KUNG KAYA'T INILIPAT SIYA NG KANYANG AHENSYA SA IBANG AMO NA SI LAILA GHAZI ALINIZI NA TAGA - KAYFAN, KUWAIT."

"PAGDATING NYA DOON SA KANYANG PANIBAGONG EMPLOYER, TUMAWAG AGAD SIYA SA AKIN. ANG SABI NIYA, HIHINGI ULIT SIYA NG TULONG PARA MAKAUWI."

"DAHIL SA NAGMAMAKAAWA NG ASAWA KO SA AKIN, AGAD NA TINAWAGAN KO ANG AGENCY NIYA SA MANILA AT SABI KO, NAKIKIUSAP ANG AKING ASAWA NA MAKAUWI NA NG PILIPINAS."

"SINABIHAN AKO NG AGENCY NG MISIS KO NA PAPAUWIIN LANG NILA ANG ASAWA KO KUNG MAKAKAPAGBIGAY DAW AKO NG HALAGANG MAHIGIT EIGHTY SIX THOUSAND PESOS (P86,000.00) KUNG KAYA AKO'Y NAPAIYAK SA AWA KO SA AMING KALAGAYAN AT SA LUNGKOT AT LABIS NA PAG - ALALA KO SA AKING ASAWANG SI JONA."

"SA SOBRANG KALITUHAN KO NOON, HALOS BUONG GABI AKONG NAGDASAL SA PANGINOON."

"NOONG NOVEMBER 28, 2015, TUMAWAG SIYA SA AKIN PARA IBALITA NA NAKARATING NA SIYA SA PANGALAWANG AMO NIYA."

"HINDI PA SIYA NAGTATAGAL SA KANYANG BAGONG AMO, TUMAWAG ULI SIYA SA AKIN AT NAGSABI SIYA NA PILIT KAKAYANIN DAW NIYA ANG KANYA TRABAHO AT KALAGAYAN DOON DAHIL HINDI NAMAN NAMIN KAYANG IBIGAY ANG HINIHINGING PERA NG AHENSYA NIYA."

"DECEMBER 27, 2015, TUMAWAG SIYA SA AKIN AT NAGSABING MABUTI NA RAW SIYA AT MAGPAPADALA SIYA NG PERA."

"ANG UNANG PADALA PO NIYA AY HALAGANG PITONG LIBONG PISO (P7,000.00) PARA MABAYARAN ANG MGA UTANG NAMIN."

"MASAYA SIYA NA NAGKUWENTO SA AKIN NA MABAIT NA RAW ANG KANYANG AMO."

"IPINAGMAMALAKI PA NIYA SA AKIN NA MINSAN DAW AY ISINAMA SILA NG AMO NILA NA MAGBIYAHE SA IBANG BANSA. BINIBIGYAN SILA NG MGA GAMIT AT PAGKAIN AT PINAPATULOG.NANG MAAYOS. HANGGANG NAGUSTUHAN SIYA NG KANYANG AMO. PAKATAPOS NG KANYANG DALAWANG TAONG KONTRATA, GUSTUNG - GUSTO NG AMO NYA NA PAPABALIKIN DAW SIYA DAHIL WALA NANG MAPAGKAKATIWALAANG MAGBABANTAY SA KANILANG ANAK KAPAG HINDI NA SIYA BUMALIK SA KANILA. AT ANG OBSERBASYON PA SA KANYA NG KANYANG AMO AY MASIPAG DAW SIYANG MAGTRABAHO, ANG MASAYANG KWENTO PA NG ASAWA KO SA AKIN."

PERO SINAGOT NIYA ANG KANYANG AMO AT IPINAALAM SA KANYA NA NAGDESISYON NA SIYANG HINDI NA BABALIK PA SA KUWAIT PARA MAGTRABAHO SAPAGKA'T NAGIGILIW AT NANANABIK NA RIN SIYA SA AMING ANAK NA SI JANE CARL. "

"KUNG KAYA NAPANATANG ANG LOOB KO DAHIL MABAIT ANG AMO NYA AT NAGUSTUHAN SIYA. "

"SUBALI'T IBA PALA SA INAAKALA KO ANG KABUTIHANG IPINAPAKITA NILA SA AKING ASAWA. IBA PALA SILA."

NOONG SEPTEMBER 29 NG TAONG KASALUKUYANG, NAKATANGGAP AKO NG MESSAGE NA NANGGALING SA SRI LANKAN NA DRIVER.NG KANILANG AMO, 'BIG PROBLEM. I THINK GOING AIRPORT BUT NO MONEY.'

"KAYA LABIS NA NAGTAKA AKO AT SOBRANG KINABAHAN AT NAG - VOICE CALL SA AKIN ANG NASABING DRIVER NG KANILANG AMO, 'HELLOW, BROTHER YOU TALK TO JONA. JONA AND EMPLOYER TO GO TO CADAMA OFFICE. EMPLOYER NEEDS HELP TO CADAMA OFFICER.'

"KAYA KINAUMAGAHAN, AGAD NA PUMUNTA AKO SA AHENSYA NG MISIS KO SA DAVAO AT ISINUMBONG KO PO IYONG NATANGGAP KO NA ULAT NG KANILANG DRIVER. " "ANG SABI PO NG ISANG STAFF NG AHENSYA SA AKIN, HIHINGI MUNA SILA NG IMPORMASIYON SA KUWAIT PARA MALAMAN KUNG ANO BA TALAGA ANG NANGYARI SA ASAWA KONG SI JONA."

"ANG ADVICE PA NILA SA AKIN AY MAGHINTAY O MAG - ABANG AKO HANGGANG BUKAS, OCT.OBER 01, 2017. TUMAWAG PO SA AKIN ANG ASAWA KO, SABI NIYA HINTAYIN NALANG DAW NAMIN SIYA DAHIL UUWI NA SIYA. MASAYANG MASAYA PO AKO DAHIL SA SINABI NYA NGUNIT AKO'Y NABIGLA HATINGGABI NG OCT 01, 2017 TUMAWAG ULIT SIYA SA AKIN NA NANGINGINIG SA TAKOT."

"RAMDAM NA RAMDAM KO ANG GRABENG TAKOT NG AKING ASAWANG SI JONA HABANG SA CELLPHONE AY NAGKUKUWENTO SIYA AT HUMINGI NG TULONG SA AKIN SA DAHILANG PINAGBINTANGAN DAW SIYA NG KANYANG AMO NA NAGNAKAW NG PERA."

"ANG SABI KO, ANG LAKI, BAKIT BA, ANO ANG NANGYARI? BAKIT GANOON?"

"BAGAMA 'T LABIS DIN ANG PANGAMBA KO, HINDI AKO NAGPAHALATA SA KANYA AT PINAYUHAN KO SIYA NA HUWAG KA GAANO NA MAG - ALALA DAHIL KUNG WALA KA NAMAN KASALANAN, MAAYOS DIN ANG LAHAT."

"HIHINGI PA SANA AKO NG KABUUHANG DETALYE NG NANGYARI NGUNI'T LIMITADO LANG PO ANG ORAS NG PAG - UUSAP NAMIN KAYA KINABUKASAN, OCTOBER 02, 2017, PUMUNTA AGAD AKO SA DAVAO CITY KASAMA KO ANG AKING BIYANANG BABAE AT ANG AKING SISTER - IN - LAW. DOON SA OPISINA NG AGENCY, NAKAUSAP KO TALAGA MISMO ANG ASAWA KO AT IKINUWENTO NIYA NA PINAGBIBINTANGAN SIYA NG KANYANG AMO NA NAGNAKAW TALAGA NG PERA NA HALAGANG FIVE HUNDRED (500) KUWAIT DINAR KUNG KAYA HUMIHINGI SIYA SA AMIN NG HALAGANG ISANGDAANG LIBONG PISO (P100,000.00) NA KAPALIT DAW NG PAGPAPAHINTULOT SA KANYANG PAG - UWI DITO SA PILIPINAS AT SABI PA NIYA, DAHIL SA KANYANG SOBRANG TAKOT NA BAKA BUGBUGIN SIYA NG MGA KUWAITI POLICE AY INAKO NIYA ANG KASALANAN NA DI NAMAN TALAGA NIYA GINAWA. SIYA RAW PO AY NATARANTA SA SOBRANG STRESS DAHIL SA GINAWANG INTEROGASYON SA KANYA. NAGAWA RAW NIYANG UMAMIN SA ISANG KASALANANG HINDI TOTOO O HINDI NAMAN NIYA TALAGA GINAWA."

"DAHIL SA KANYANG GINAWANG PAG - AMIN SA IBINIBINTANG SA KANYA, PINAPAGBAYAD PO TALAGA SIYA NG ISANG DAANG LIBONG PISO (P100,000.00) KUNG KAYA'T NAG - ISIP AKO KUNG SAAN AKO KUKUHA NG GANOONG KALAKING HALAGA."

"NAGUGULUHAN AKO SA MGA PANGYAYARI KAYA'T PUMUNTA AKO SA POEA (PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT AGENCY) NOONG OCTOBER 03, 2017."

"IDINULOG KO SA KANILA ANG AKING PROBLEMA. ANG SABI SA AKIN NG ISANG EMPLEYADO ROON, IPAPA - PROCES PO RAW NILA SA EMBAHADA NG KUWAIT ANG AKING PROBLEMA AT SA LOOB NG LABINLIMANG (15) ARAW AY TATAWAGAN DAW PO NILA AKO. "

"NANG TUMAWAG AKO SA POEA PARA KUMUSTAHIN ANG INILAPIT KONG PROBLEMA, SINABIHAN AKO NG STAFF NG POEA NA PUMUNTA RAW NAMAN AKO SA OWWA (OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION). AGAD NAMAN PO NA NAGPUNTA AKO SA OWWA AT DOON, IDINULONG KO ULI ANG PROBLEMA KO TUNGKOL SA NANGYARING PAGBIBINTANG SA ASAWA KO NG KANYANG EMPLOYER. "

"ANG ADVICE SA AKIN NG TAGA - OWWA AY SA OCTOBER 11, 2017, TATAWAGAN KO RAW SILA AT HANAPIN KO RAW SI MIA O SI LAISA."

"SIR TIRSO, NAPAKAHIRAP NG AMING KASALUKUYANG SITWASYON NA NAGHIHINTAY NG WALANG MALINAW NA RESULTA SA INILALAPIT NAMING PROBLEMA."

"LABIS KAMING NAG - AALALA NA PAGSAPIT NG OCTOBER 11, 2017 AY MAULIT ANG NANGYARING PAGTRATO SA AMIN NG POEA NA IPAPASA RIN LANG KAMI ULIT NG OWWA SA IBANG AHENSYA NAMAN NG PAMAHALAAN."

"MAHIRAP LANG PO KAMI. SIMPLE LANG PO KAMING TAO. WALA TALAGA KAMI NA GANOON KALAKING HALAGA. HUMIHINGI PO AKO NG TULONG SA PAMAMAGITAN NINYO SA MGA KINAUUKULAN PARA LIGTAS NA MAKAUWI DITO SA PILIPINAS ANG AKING ASAWANG SI JONA."

"SA TOTOO LANG PO, HALOS HINDI KO MAAYOS NA MAISULAT ANG LIHAM -- KAHILINGAN NA ITO DAHIL SA SOBRANG PAG - AALALA KO SA AKING MAHAL NA ASAWA AT KATUNAYAN PO, TUMUTULO PO ANG AKING LUHA KO DAHIL SA MAGKAHALONG EMOSYON NG TAKOT, AWA AT GALIT SA PUSO KO. "

"KAYA PO HUMIHINGI AKO NG TULONG. PATI PO ANG PERANG INIPON NIYA SA KUWAIT, NAWAWALA NA RIN PO LAHAT."

"ANG MGA DAMIT AT GAMIT PO NIYA AY NANDOON PA SA BAHAY NG AMO NIYA...ANG LABIS NA KINATATAKUTAN KO PO AY BAKA LAGYAN NAMAN NILA NG ANUMANG BAGAY ANG MGA GAMIT NG ASAWA KO PARA MAIDIIN PO SIYA SA KASONG IBINIBINTANG LABAN SA KANYA."

PAKIUSAP PO, WALANG KASALANAN ANG ASAWA KO. END OF CONTRACT NA PO SIYA SA KUWAIT. TAUS - PUSO PO AKONG HUMINGI NG TULONG SA INYO AT NAGMAMAKAAWA PO AKO!

UMAASA AT NAGDARASAL NA TULUNGAN NINYO AKO PARA NA LANG SA AMING APAT NA TAONG GULANG NA ANAK NA SI JANE CARL.

SALAMAT PO!
CARLOS DAPAN GUABONG, JR.
BRGY. KAPATAGAN, DIGOS CITY
DAVAO DEL SUR"

PERUSAL OF THE ABOVE ACCOUNT CLEARLY ESTABLISHED THE ILL MOTIVE OF JONA'S EMPLOYER TO HER. THE SITUATION IS NOT ENOUGH JUSTIFICATION TO DETAIN JONA IN THE CONFINES OF THE KUWAITI POLICE OR HER EMPLOYER''S ABODE.

THE CASE IS BAILABLE.

SHE IS ALREADY TO COMPLETE HER 2 -YEAR CONTRACT THIS NOVEMBER 2017,  THE MORE REASON SHE HAS NO SLIGHTEST INTENTION TO DO WHAT IS SHE KNOWS IS WRONG. 

IT IS ALSO CONFIRMED THAT NO EVIDENCE OR PROOF WAS TIMELY OR ON TIME WAS EVER PRESENTED OR SHOWN BY JONA'S EMPLOYER TO THE PROPER KUWAITI AUTHORITIES OF THE THE LEGITIMATE SOURCE OF THE ALLEGED FIFTY (50) KUWAIT DINARS WHICH WERE ALLEGEDLY "LOST" OR "STOLEN."

OFW JONA SINCE DAY ONE IN KUWAIT HAS UNBLEMISHED AND UNQUESTIONABLE CLEAN RECORD.

HER HONESTY, HER BEING HARDWORKING AND INDUSTRIOUS ARE HER INNATE TRAITS THAT HER EMPLOYER HAD BECOME ENAMORED TO OR "POSSESSED" OR TOO "POSSESSIVE" OF HER FOR THEIR OWN PERSONAL SAKE AND SELFISH INTEREST. 

THE NATURE OF THE FILIPINO DOMESTIC HELPER HAVING BEEN SIMPLY OBEDIENT AND TO THE POINT "SUBMISSIIVE" IS THE CHARACTER THAT HAS GREATLY ENTICED JONA TO HER EMPLOYER AND REASON ENOUGH TO HOLD HER "CAPTIVE" AND "SLAVE" FOR AS LONG AS THEY WANT HER.



Today: OFW WATCH is counting on you

OFW WATCH needs your help with “Department of Foreign Affairs secretary ALAN PETER CAYETANO: PLEASE, PLEASE HELP RESCUE A DOMESTC HELPER WHO IS HELD "HOSTAGE" BY HER KUWAITI EMPLOYER”. Join OFW WATCH and 196 supporters today.