Free Internet Connection in all the schools in the Philippines

0 have signed. Let’s get to 100!


          Sa henerasyon natin ngayon, napakahalaga ng pagkakaroon natin ng tinatawag na "internet". Nagsisilbi itong hanapan ng mga impormasyon at nagagamit din ito upang makipagkomunikasyon sa mga tao sa ating paligid. Ngunit paano kung di lahat ng mga mag-aaral ang may kakayahang magkaroon ng Internet Connection dahil sa hirap ng buhay ngayon.

      Bilang mag-aaral sa isang pampublikong paaralan, di lahat sa amin ay may  kakayahang magpakabit ng "Internet Connection" dahil sapat lamang ang kinikita ng aming mga magulang para kami ay paaralin. Sa panahon ngayon, dapat ay may sapat kang kaalaman patungkol sa mga bagay kagaya na lamang kapag gagawa ka ng takdang-aralin. Kaya kadalasan ang ginagawa ng mga mag-aaral na walang internet connection ay nagrerenta sa Computer Shop ng sa ganon, may maisagot sa mga tanong at magkaroon ng impormasyon ang kanilang mga isip. Subalit di nga ganon kalaki ang kinikita ng kanilang mga magulang, ang iba ay nangungutang o di kaya'y komokopya na lamang ng takdang-aralin sa iba. Nakakagawa sila ng mga maling gawain dahil sa di sapat na pera at di kakayahang makapag-internet. Ang impormasyon na dapat nakukuha nila ay nawawala dahil sa kawalan ng kredibilidad. 

         Kung kaya't dapat lamang na magkaroon ng libreng Internet Connection sa mga pampublikong paaralan upang malinang ng mga mag-aaral ang kanilang sarili at makakuha pa ng mas malalalim na kaalaman sa tulong ng Internet. Dahil alam naman natin na maraming impormasyon ang maaari mong makuha sa Internet na maaari mong magamit sa mga pampaaralan na bagay. Ako, bilang mag-aaral, aminado akong nahihirapan akong pagkasyahin ang pera na ibinibigay sa akin. At isama mo pa ang mga research na kailangan naming magawa. Kung minsan pa ay nakakaligtaan naming kumain para lamang may pang research. 

         Kung mabibigyan man ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magkaroon ng libreng Internet Connection, napakalaking tulong nito dahil magiging mas malawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral at madadagdagan ang impormasyon na kanilang makukuha na maaari nilang magamit sa kanilang paaralan. 

"LIBRENG INTERNET CONNECTION ANG KAILANGAN, UPANG ANG UTAK AY MAGKALAMAN!"



Today: Rizza Mae is counting on you

Rizza Mae San Pascual needs your help with “Department of Education: Free Internet Connection in all the schools in the Philippines”. Join Rizza Mae and 22 supporters today.