PROVINCIAL RATE, IBASURA! GAWING LIVING WAGE!

0 have signed. Let’s get to 200!


Provincial workers to Duterte: ABOLISH PROVINCIAL RATE!

ANO ANG PROVINCIAL RATE?
- Iba iba ang minimum wage o pasahod sa buong bansa. Naka depende ang taas ng pasahod kung saan nagtatrabaho ang isang manggagawa. Sa kasalukuyan, pinaka mataas ang pasahod sa Metro Manila (Php 512.00 kada araw) at pinakamababa sa ARMM (Php 250.00 kada araw).

BAKIT MAY PROVINCIAL RATE?
- Ang pagkakaroon ng provincial rate ay dulot Wage Rationalization Act (Republic Act No. 6727) na ipinasa noong taong 1989. Dahil sa batas na ito, mas mababa ang pasahod sa probinsya kaysa sa mga siyudad at Metro Manila.

BAKIT UNCONSTITUTIONAL ANG R.A. 6727?
- Una, ayon sa ating Constitution, dapat pantay pantay ang trato sa lahat ng Pilipino, ano man ang estado natin sa buhay (Equal Protection under the Law). Ang RA6727 ay nagdidiskrimina laban sa mga manggagawa na nagtatrabaho sa probinsya. Hindi dahilan ang pagtatrabaho sa probinsya upang bigyan ng mas mababang sahod ang isang manggagawa dahil pareho lang naman ang trabaho kahit nasaan man sa bansa.
- Pangalawa, matagal nang prinsipyo ng Supreme Court na ginamit na din sa maraming kaso noong nakaraan ang tinatawag na "equal pay for equal work doctrine". Ibig sabihin nito, dapat pareho ang sahod sa magkakaparehong trabaho. Nilalabag ng R.A.6727 ang doktrinang ito ng Supreme Court.
- Pang huli, balakid ang RA6727 sa pagkakaroon ng makabuluhang "living wage" para sa mga manggagawa. Nakasaad sa Constitution na may karapatan ang bawat manggagawang Pilipino na magkaroon ng "living wage" o nakabubuhay na sahod. Nililimitahan ng RA6727 ang kakayanan ng mga manggagawa upang makamit ang nakabubuhay na sahod, bagkus ito ay lalo pa nitong ibinababa.

BAKIT KAILANGANG IBASURA ANG RA6727?
- Pareho lang ang ginagawang trabaho ng isang construction worker na nasa probinsya at ng nasa Metro Manila. Pareho silang nagtatrabaho ng walong oras. Pareho silang marunong gumamit ng martilyo at nagbubuwis ng buhay sa construction area. Sa paglaganap ng mga malalaking supermarket at mga pamilihang bayan, pareho lang sa buong bansa ang presyo ng pangunahing bilihin tulad ng bigas, noodles, sardinas, at asukal. Ngunit bakit mas mababa ang pasahod sa probinsya? Ang RA6727 ay NAGDIDISKRIMINA LABAN SA MGA MANGGAGAWANG NASA PROBINSYA.

DISKRIMINASYON SA MGA MANGGAGAWANG AGRIKULTURAL
- Mas kalunos lunos ang ating mga manggagawa sa agrikultura dahil di hamak na mas pinababa pa ang pasahod sa kanila. Halimbawa, sa Metro Manila, Php465.00 lamang ang minimum wage ng manggagawang agrikultural kumpara sa Php512.00 para sa mga karaniwang manggagawa. Ang ating mga manggagawang agrikultural ang isa sa mga PINAKAMAHIRAP NA SEKTOR sa ating lipunan.

ANO ANG MANGYAYARI KAPAG NAIBASURA ANG RA6727?
- kapag naibasura ang batas na ito, tataas ang pasahod sa probinsya at ipapantay ito sa pasahod sa Metro Manila na Php 512.00 kada araw. Ang pagbasura ng batas na ito ay nagkakahulugan na mali ang pagdidiskrimina ng gobyerno laban sa mga manggagawang taga probinsya. Dahil dito, magpapantay pantay sa buong bansa ang pasahod sa mga manggagawa.

ANO PA ANG IBANG EPEKTO NG PAGBABASURA NG RA6727?
- Kapag nagtagumpay ang manggagawang Pilipino na maipabasura ang batas na ito, masosolusyunan din ang pagsisiksikan at ang paglala ng trapik sa Metro Manila at mga lungsod. Karamihan sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya ay napipilitan at nakikipagsapalaran na lang na manirahan sa mga komunidad na hindi tiyak ang kalagayan ng paninirahan at wala pang maayos na serbisyong pampubliko. Lumalala din ang lagay ng trapiko dahil sa dami ng tao na nagkukumpulan para sa mas mataas na sahod sa Metro Manila. Kung pareho lang sana ang sahod sa buong bansa, hindi na kailangan mamasukan sa Metro Manila at mga lungsod ang mga manggagawa at iwanan ang kanilang mga pamilya sa probinsya.

LEGISLATE A NATIONAL MINIMUM LIVING WAGE LAW!

NAKABUBUHAY NA SAHOD PARA SA MGA MANGGAGAWA!

Living wage, IPATUPAD!



Today: Alliance of General Unions, Institutions and Labor Associations (AGUILA) is counting on you

Alliance of General Unions, Institutions and Labor Associations (AGUILA) needs your help with “Congress of the Republic of the Philippines: PROVINCIAL RATE, IBASURA! GAWING LIVING WAGE!”. Join Alliance of General Unions, Institutions and Labor Associations (AGUILA) and 131 supporters today.