CNA, Ipatupad! Dagdag-Benepisyo, Ibigay Na!

The Issue
Masidhing pinapanawagan ng All UP Academic Employees Union (AUPAEU) sa Administrasyong Danilo L. Concepcion na agarang tugunan ang muling pagpapatawag ng pulong para sa Union Management Monitoring Committee (UMMC) sa lalong madaling panahon. Kagyat ang dapat na maging pagtugon ni Presidente Concepcion sa usaping ito upang gumaod at mapinalisa na ang renegosasyon ng Kasunduan sa Kolektibong Negosasyon o Collective Negotiation Agreement (CNA) sa pagitan ng Unibersidad ng Pilipinas at AUPAEU. Humigit-kumulang limang buwan na buhat ng isumite ng AUPAEU ang panukalang tala ng mga benepisyong dapat ipatupad sa lahat ng CU ngunit hanggang sa mga sandaling ito ay nananatiling tikom ang Administrasyong Concepcion sa kanilang panukalang tala ng mga benepisyo. Sa unang araw ng dapat sana’t pagpupulong ng UMMC hinggil sa gitnang-renegosasyon, wala pa ring naihaharap ang Administrasyong UP kahit gatuldok na bakas ng kanilang pagsusumikap na tugunan ang anomang bahagi ng CNA. Sanhi nito, nananawagan ang AUPAEU sa Administrasyong Concepcion na ipakita ang sinseridad nito sa pagbibigay priyoridad sa implementasyon ng mga probisyon sa CNA sa makatao at makatarungang sistema.
Kung ihahambing ang umiiral na CNA sa iminumungkahi ng AUPAEU, litaw ang pagtaas ng mga panukalang benepisyo. Ginawa at pinagpasyahan ito batay sa ipinatupad na TRAIN Law at sa pagragasa ng mga presyo ng batayan at primaryang bilihin na umabot na sa 5.7% nitong Hulyo. Malawakan ang epekto ng pagbabago ng batas sa ekonomiya ng bansa sa mga mamamayang Pilipino. Kung kaya walang dahilan upang magbagal ang Administrasyong UP sa pagkakaloob at pagtitiyak ng benepisyo sa mga nasasaklawang empleyado.
Mangyari sanang ipamalas ng Administrasyong UP sa kasalukuyan ang prinsipyo nito hinggil sa patas at makataong pakikipagkasundo. Dumudulog ang AUPAEU kay Presidente Concepcion na dinggin ang kagyat na panawagang ito sa lalong madaling panahon!

Petition Closed
Share this petition
Petition Updates
Share this petition
Petition created on August 15, 2018