Keep Heroes on our peso bills!

The Issue

Ang pagtanggal ng mga Bayani sa pera ay katumbas ng pagbura ng ating kasaysayan at kultura.

Lahat ng Pilipino ay nakahahawak ng pera at dahil dito, nakikilala nila ang ating mga Bayani at nagkakaroon ng interes na alamin ang ating kasaysayan. Halimbawa na lang ng kung bakit si Jose Rizal ay nakalagay sa maliit na halaga, ito ay para makilala sya lalo na ng mga batang hindi nakahahawak ng aklat. Hindi lahat ay pinalad makapag-aral. Sa ganitong paraan man lang ay magkaroon ang mga tao ng pag-alala sa mga naging sakripisyo ng ating mga Bayani sa ating bayan.

Kaya't hindi dapat mawala ang mga Bayani sa ating salapi. Hindi magiging maganda ang epekto nito sa ating kultura at kasaysayan. Unti-unting malilimot ng mga mamamayan ang kahalagan ng ating kultura, mawawalang saysay ang kasaysayan, at ang mga Pilipino'y hindi malayong maging dayuhan na rin sa sariling bayan.

This petition had 21 supporters

Petition Updates

Share this petition

Petition created on December 12, 2021