TAX SA MGA BINIBILING ALAK: TAASAN!

TAX SA MGA BINIBILING ALAK: TAASAN!

0 have signed. Let’s get to 100!
At 100 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Cara Sien Valdez started this petition to Bureau of Internal Revenue

Ang pagtaas ng tax sa mga biniling alcoholic drinks ay malaking tulong para sa mga pamilya ng mga addict, may bisyo at walang limitasyon sa pag-inom ng alak. Ang pagtaas ng tax sa mga alcoholic drinks ay makabubuti dahil ang mga mahihirap ay mahihirapan na nitong bumili. Karamihan sa mga tao, lalo na ang mga mahihirap, ang pinakamataas na kumukunsumo ng iba't ibang klase ng alak. Marami silang rason kaya sila umiinom ng alak. Isa na rito ay dahil hindi sila makabili ng tamang pagkain kung kaya't murang alak na lamang ang kanilang binibili para magkaroon ng laman ang kanilang tiyan. Pangalawa, ay para makalimutan nila ang kanilang mga pansariling problema. Marami sa mga mahihirap ay ginagawa na itong routine. Inom sa umaga, inom sa hapon at inom sa gabi.

Bakit niyo nga ba ako kailangan tulungan sa petisyon na ito? Ang alak ay nakakasama para sa mga tao. Nakakabawas ang alak sa ating life span at maaari tayong magkaroon ng maraming karagdagang sakit. Maaari nitong tamaan ang ating internal organs na mauuwi sa pagkamatay. Masama rin ang alak sa mga tao dahil kapag nalagyan na ng alcohol ang katawan mo, mawawala ka na sa tamang pag-iisip. Maaari kang makagawa ng mga bagay na masama at hindi karapat-dapat gawin. Maraming hindi magandang epekto ang alak lalo na sa mga tao na hindi kayang kontrolin ang kanilang intake. Ang alak ay hindi mabuti sa ating katawan lalo na sa mga taong mahihina ang pangangatawan.

Ang alak ay depressant. Ibig sabihin, napapabagal nito ang ating pag-iisip. Ang alak ay significant risk factor for dementia na nakakasama sa ating kalusugan. Kontrolin ang pag-inom ng alak. Pangalagaan ang iyong buhay. Magkaroon ng healthy lifestyle.

0 have signed. Let’s get to 100!
At 100 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!