Calling for the RESIGNATION of Philippine Supreme Court Justice Alfredo Benjamin Caguioa

0 have signed. Let’s get to 10,000!


Karapatan ng bawat Pilipino ang malaman ang katotohanan kung sino talaga ang nanalo bilang bise-presidente noong 2016 Halalan.  Ngunit ang hindi namin katanggap-tanggap ay ang bagal ng pag-usad ng electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ng Korte Suprema.  

Matandaang nag-file ng electoral protest laban kay Leni Robredo si BBM sa Korte Suprema noong June 29, 2016 at hanggang ngayon, makalipas ang 267 na araw, ay wala paring order ang PET para Preliminary Conference.

Matatandaang nag-file din ng electoral protest ni Mar Roxas laban kay Jojo Binay noong July 9, 2010 at pagkalipas ng 83 na araw (September 30, 2010) ay may order kaagad ang PET para Preliminary Conference. (SOURCE: http://www.lawphil.net/judjuris/juri2016/aug2016/pdf/pet_004_2016.pdf

Kung tutuusin ay 263,473 na boto lang ang lamang ni Leni Robredo kay BBM kung ikumpara sa 727,084 na botong lamang ni Binay kay Roxas.  Pero bakit nakapag order kaagad ng Preliminary Conference  ang PET sa loob ng 83 na araw sa kaso ni Roxas at hanggang ngayon ay wala pa sa kaso ni BBM?

Kaya kusa naming inaalam kung sino ang may hawak ng electoral protest ni BBM.  Napag-alaman namin na si Justice Alfredo Benjamin Caguioa pala ang may hawak.  Pero ang mas nakakagulat ay malaman namin na si Caguioa pala ay itinalaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino (PNoy) sa Korte Suprema noong January 22, 2016 at siya ay classmate ni PNoy mula grade school hanggang college sa Ateneo de Manila University.  (SOURCE: http://news.abs-cbn.com/nation/07/04/16/aquino-classmate-gets-marcos-poll-protest-sources

ANG TANONG: Bakit di tumanggi si Caguioa na hawakan ang electoral protest ni BBM para di maging bias at maiwasan ang pagduda dahil alam ng taong bayan na magkalaban sa pulitiko si PNoy at BBM?  

Kaya ngayon, maraming nagsasabi at naniniwala na posibleng ang dahilan ng pagbagal ng pag-usad ng electoral protest ni BBM ay dahil appointee at classmate ni PNoy ang may hawak ng electoral protest ni BBM sa Korte Suprema.

Kaya kami ay nanawagan kay Caguioa na mag-resign na para uusad na ang electoral protest ni BBM at mapabilis ang recount ng boto upang malaman kung sino talaga ang inihalal ng taong bayan bilang bise-presidente.  

Karapatan ng bawat Pilipino ang bumoto at malaman ang katotohanan.

#RecountNow 



Today: Roy is counting on you

Roy Domingo needs your help with “A petition calling for the RESIGNATION of Philippine Supreme Court Justice Alfredo Benjamin Caguioa”. Join Roy and 7,963 supporters today.