Tanggalin ang sigarilyo sa inyong mga tindahang malapit sa mga paaralan #SmokefreePh #StopPeddlingDeath

The Issue

Kaming mga manggagamot, tulad ng maraming Pilipino ay mga magulang na nag-aalala sa kalusugan at kinabukasan ng ating mga kabataan. Sa Metro Manila, ilan sa inyong mga tindahan ay nagtitinda ng sigarilyo na malapit sa mga paaralan. Ito po ay maliwanag na paglabag sa Section 10 ng Republic Act No. 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003):

Sec. 10. Sale of Tobacco Products Within School Perimeters. – The sale or distribution of tobacco products is prohibited within one hundred (100) meters from any point of the perimeter of a school, public playground or other facility frequently particularly by minors.

Hinihiling namin na tanggalin ang panindang sigarilyo sa mga tindahang malapit sa mga paaralan, public playground o mga lugar na madalas na pinupuntahan ng mga kabataan (ang 100 metro ay katumbas ng mga tatlong basketball courts). Hindi po sapat na dahilan na di naman kayo nagtitinda sa mga kabataan, sapagkat ang mismong pagtitinda ng sigarilyo ay bawal, kung ang tindahan ay 100 metro mula sa mga perimeter ng paaralan. Di rin po sapat na sabihin na di naka-display at nakatago naman sa inyong mga drawers (sa bandang counter) ang mga sigarilyong paninda.

Napakahina po ng pagpapatupad ng batas na ito kaya’t hinihingi din namin sa mga ahensya ng pamahalaan partikular ang DTI at mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang nasabing batas.

Pahalagahan natin ang kalusugan ng mga kabataan. Ang inyong pagtupad ay magiging magandang halimbawa sa lahat ng mamamayan bilang mabuting mga negosyante.

Ang di pagtupad sa nasabing batas ay maaring patunay ng inyong pagwawalang bahala sa kalusugan ng mga kabataan. Di sapat na dahilan ang inyong pagbibigay prioridad sa inyong kikitain kung ang kapalit nito’y ang kalusugan at buhay ng ating mga kabataan.

Signed by: 

Philippine College of Physicians

Framework Convention on Tobacco Control Alliance, Philippines

Philippine Medical Association

This petition had 5,786 supporters

The Decision Makers

Jose Paterno (7 Eleven President & CEO)
Jose Paterno (7 Eleven President & CEO)
7 Eleven President & CEO
Roena Sarte
Roena Sarte
Ministop General Manager
Eduardo Paredes, Jr.
Eduardo Paredes, Jr.
Family Mart General Manager

Petition Updates