Panawagan sa BulSU Admin: Ideklarang walang pasok sa Feb. 25!

The Issue
Never again, never forget! No to historical distortion! BuLSUAN, lumagda sa petisyon!
Bilang paggunita sa EDSA People Power Revolution, nananawagan ang KASAMA BulSU sa administrasyon na kanselahin ang klase sa ika-25 ng Pebrero. Nauna nang nag-anunsyo ang DLSU, UST, St. Scholastica, at iba pang mga pamantasan ng non-working holiday upang gunitain ang EDSA.
Ano nga ba ang EDSA at bakit kailangang nating tutulan ang mga hakbang nq estado para IBAON ITO SA LIMOT?
"Hindi simpleng longest highway ng bansa ang EDSA."
Ang EDSA ay ang simbolo ng milyong-milyong Pilipinong nagsanib-pwersa sa lansangan upang patalsikin ang longest-serving diktador, mamamatay-tao, at Guinness World Records holder ng Greatest Robbery of a Government. Rosaryo, sarili, at rosas – laban sa tangke at arsenal ni Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos Sr. Ito ang taunang paalala sa ordinaryong mamamayan na minsan, taong 1986, ay nasa kamay nya ang kapangyarihan.
Ang pagtanggal nito bilang public holiday noong 2023 ay isang maniobra ni Marcos Jr. upang burahin at yurakan ang ala-ala ng mga martir na pinaslang, mga lider-estudyante na dinukot at tinorture, at mga mamamayang lumaban upang wakasan ang dekada ng kawalang hustisya’t demokrasya, pagransack sa kaban ng bayan, at pagbaon sa atin sa utang na pati mga anak ng anak natin ay pagbabayaran.
BulSUAN, ano ang pwede mong gawin?
- Ang paglagda sa petisyong ito upang himukin ang BulSU Administration na kanselahin ang klase sa araw ng EDSA People Power Revolution ay isa lamang sa mga maaari nating gawin upang ipahayag ang ating protesta.
- Sama-sama nating labanan ang anumang tangka ng HISTORICAL DISTORION.
- Panagutin ang mga Marcos at Duterte at iba pang mga political dynasty na nagpapahirap sa bansa.
Sa huli, ang hindi dapat manakaw sa atin ng mga mandarambong ay ang pag-alala. KAPANGYARIHAN MO ANG HINDI PAGLIMOT!
Para sa mga katanungan, mangyaring bisitahin ang aming page.
Maging bahagi ng pagbabago, sumapi sa KASAMA BulSU!

4,846

The Decision Makers
Share this petition
Petition created on February 19, 2025