Stop Nutriwealth Multi-Purpose Cooperative from Victimizing the Overseas Filipino Workers

The Issue
Kami po ay grupo ng mga dati at kasalukuyang miyembro ng Nutriwealth Multi-Purpose Cooperative o NMPC na kusang loob na nagbigay ng share capital at investments sa naturang kooperatiba sa paniwalang ginagamit ang aming pera sa pagpapalago ng mga negosyo at kasabay nito ay ang paglago din ng interes ng aming investments.
Nabahala kami nang may lumabas na walong (8) Cease and Desist Orders ang Cooperative Development Authority noong Pebrero 2018 at kami ay nag-obserba kung ano ang gagawin ng pamunuan ng NMPC. Sinubukan din namin na magtanong sa pamunuan ng kooperatiba at ayon sa kanila, ang mga violations ay kanilang inaayos. Ngunit sa aming obserbasyon, hindi sumunod ang mga namumuno sa nasabing kautusan bagkus ay nagpatuloy sa mga gawain na saklaw ng Cease and Desist Orders, lalo na ang “Financial Literacy Caravan” sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at ito kanilang pino-promote sa social media.
Dahil sa mga paglabag na ito, kami ay nagpasyang mag-withdraw ng aming mga share capital at investments sa NMPC at nag-antay sa 60-day “grace period” na nakasaad sa pinirmahan naming kasunduan. Subalit ang NMPC ay hindi sumunod sa 60 days at humingi ng dagdag na 60 days extension sa mga members.
Di kalaunan, kami ay nakatanggap ng Memorandum Circular #53 Series of 2018 na may petsang Sep 14, 2018 patungkol sa enforcement ng Art 2 and 8 ng Amended by-laws at guidelines kung kalian makukuha ng members ang time deposits/investments. Ang MC na ito ay lalo lamang nagpalito sa mga members at nadama namin na kami ay niloloko ng NMPC at ayaw lamang ibalik ang aming mga perang pinagpaguran.
Ang sunod-sunod na pagpapalabas ng advisories mula sa SEC, DOLE at Philippine Embassies ng Hongkong, Japan, Israel at Italy ay lalong nagpatibay sa aming determinasyon na mabawi ang aming investments at balaan ang kapwa OFWs upang hindi na sila mabiktima ng mga taong ito.
Ang mga sumusunod ay hangad naming makamtan sa tulong ng petisyong ito:
- Maibalik ng walang bawas at may kasamang karampatang interes ang investments ng mga nag-withdraw na miyembro.
- Agarang aksyon ng Cooperative Development Authority (CDA) upang makansela ang rehistro ng NMPC;
- Makansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang rehistro ng mga sumusunod na organisasyon (kung mayroon man) dahil ginagamit ang mga ito ng NMPC sa panloloko ng mga tao:
- Nutriphysics Wellness Association, Inc.;
- Nutriwealth Producers’ Cooperative;
- Nutriwealth Manufacturing Plant, Inc.;
- Nutriwealth School of Wealth and Wellness Foundation, Inc.;
- Minviluz Farmers and Fishermen Integrated Livelihood Association, Inc; at
- Value Chain Methodology (VCM)
4. Managot sa batas ang pamunuan ng NMPC kasama ang mga tao sa likod ng mga organisasyong nabanggit upang tuluyang masugpo ang mga illegal na gawain ng mga ito.
Kung Kayo ay kaisa namin sa layuning ito, marapat lamang pong ilagak ang inyong e-signature sa petisyong ito.

Petition Closed
Share this petition
The Decision Makers
Share this petition
Petition created on October 17, 2018